“Miss Mallory, bakit ang aga niyo pong umuwi? Nagpaalam po si Young Master Rey na ilalabas niya raw po kayo with Miss Rain po.” Narinig ko ang malakas na sabi ni kuya Sid nang makita ko siyang nililinis ang kotse namin. Hindi ko siya pinansin at dire-diretso akong pumasok sa loob ng bahay hanggang makarating ako sa room ko. Ni-lock ko iyon at dumapa sa kama, hindi ko na napigilang umiyak. “Bakit kung kailan birthday ko na bukas, naging ganito naman ang nangyari? Hindi ba pʼwedeng masaya dapat ako ngayon dahil first time kong mag-celebrate ng valentines day kasama siya... Pero, sinira ni Via na iyon!” malakas kong sabi at pinagpapalo itong unan ko. “Ano bang mayroʼn sa Via na iyon? Kakampihan pa niya dapat? So, nahulog na rin ba siya kay Via? Nalaman na ba niyang dapat si Via na lamang a