NAKARATING SI FAITH nang maayos sa bahay nila. Nakapagmaneho siya na hindi nakakasagi ng mga sasakyan. Marahil ay nakuha niya ang pagmamaneho dahil halos araw-araw siyang sumasakay ng kotse. Kaunti na lang ang kailangan niyang experience para makapagmaneho na siya. Isa pa, bago niya gawin iyon, kailangan muna niya ng lisensya. Iyong minaneho niyang kotse, nasa labas ng village kung saan nakatirik ang bahay nila at doon naka-park. Hindi iyon kaniya, kinuha lang niya. Pero si Hazel, kumusta na kaya siya? Kahit na nagawan niya ito nang masama, nag-aalala pa rin siya sa kalagayan nito ngayon dahil alam niyang masakit kapag nasabuyan ng asido ang balat. Napailing siya at pumasok na sa loob ng bahay nila. Ngunit 'paghakbang niya sa mga paa ay bigla siyang nakarinig nang iyak. "You, you are tra