"OH, ANONG GINAGAWA mo rito, Cecily?" nakangiting tanong ni Faith sa kaibigan nang tumigil siya sa harap nito. "Grabe talaga iyang ina ni Calvin, no? Napakasama! Kulang na lang ay patayin ka! Naku, kapag nakita kong itinulak ka niya, pasensyahan na lang tayo, magsusumbong talaga ako kay Calvin. Grabe talaga siya! Ang sama-sama!" nanggigigil nitong saad habang nakatingin sa itaas— marahil ay tinitingnan pa nito ang mamá niya. Nilingon niya ito, saktong nakataas na ito kaya naman ibinalik niya ang tingin sa kaibigan. "Hayaan mo na iyon, Cecily. Matanda na siya kaya tanggap ko na kung anong mga sinasabi niya," malumanay niyang sabi. Umirap ang kaibigan. "E, ang saktan ka niya, hahayaan mo na lang? Bahala ka, basta sasabihin ko ito kay Calvin. Itutulak ka niya, thank God, dumating kaagad a