CYRIA Nagising ako, hapon na. Nakatulog pala ako ng mahimbing yakap ni Zandro at hindi ko na namalayan kung gaano kabilis lumipas ang oras. Nakabawi ako ng tulog at kahit paano ay gumanda na ang pakiramdam ko. Malaking bagay na nakapag-pahinga ako lalo na matagal umano mawala ang epekto ng druga na itinurok sa akin ng tauhan ni Juanchu. Nilinga ko si Zandro sa tabi ko pero wala na siya. Tumayo na ako at tinungo ang banyo para maghilamos at nag-toothbrush dahil nagugutom na rin ako. Hindi na alintana sa akin na tanging t-shirt ni Zandro ang suot ko ng bumaba ako dahil wala naman akong ibang mahagilap na damit. Tahimik ang kabahayan at halos wala akong narinig na kahit anong kalansing, kaya bigla akong kinabahan na baka wala akong kasama dito ngayon. Nakahinga ako ng maluwag ng makita si