HE smirked. "Wow! Just wow! You said, you missed me and you called my name! Iyon ba ang gawain ng may amnesia, ang makaalala?" Pagak siyang tumawa kapagkuwan. He already knew it. Ariella was just pretending that she has an amnesia. Wala itong amnesia at kung meron man, hindi siya nito mamimiss o tatawagin ang pangalan niya. "I'm sorry, Devyn, I'm really sorry." Unti-unting umiyak si Ariella habang nagsimulang ihakbang ang mga paa patungo sa kaniya. She pissed him off, for real, galit na galit at inis na inis siya sa babae dahil sa kasinungalingang ginawa nito. Umatras siya ng ilang hakbang kaya tumigil si Ariella. "Sa loob ng dalawang buwan, walang araw ang hindi kita inaalala, Ariella. You're always here in my mind." He pointed his head. "Hindi ko alam ang gagawin ko dahil sa loob ng