NOTE: READ AT YOUR OWN RISK! NALUNOK yata ni Ariella ang kaniyang dila dahil ni hindi siya nakapagsalita nang hilahin na siya ni Devyn patungo sa mga magulang nito. Pinaghila pa siya nito ng upuan pero hindi siya umupo, gusto niya talagang tumakbo papalayo sa mga ito. "Sit, Ariella," anang Devyn. Tumingin siya rito kapagkuwan at marahang umupo. Hindi niya kayang gawin ang balak niya. Wala na. Nasa harap na siya ng mga magulang nito. Makaharapan silang apat, magkatabi ang mag-asawa habang magkatabi sila ni Devyn. Pasimpleng tiningnan ni Ariella ang lamesa, puno iyon ng mga pagkain at ang iba'y hindi niya kilala. Napalunok siya nang makita ang paborito niyang dessert, ang fruit salad. "Oh, so, siya ba ang girlfriend mo, anak?" magiliw na tanong ng babae habang nakangiting nakatingin kay