Part 31 “Kahit nasa wastong edad na si Andrae ay tila lumalabas pa rin ang kanyang pagiging bata at ganoon rin ang katigasan ng kanyang ulo, dahilan para siya ay maaksidente at wala sa balanse habang siya nakaakyat sa puno. Narito na po mga kaibigan ang IKATLONG BAHAGI ng liham ni Andrae na pinamagatan niyang “VINCENT.” "Tol!! Gising!! Gumising ka.. Please!!" ang nag-aalalang boses ni kuya Vincent. Namalayan ko nalang na nakahiga na ako sa lupa at inuuga uga niya ang katawan ko.. Nakita kong natatakot ito at parang hindi malaman ang gagawin. "Kuyyya..." ang tanging usal ko. "Tol, ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba??" ang tanong nya "Ayos lang po ako, sorry sa katigasan ng ulo ko.” "Tado ka!!!" sabay batok sa akin. "Unmpp!! Gago ka tinakot mo ko tol!!! Aakyat-akyat ka dyan sa puno, hindi