Part 21 "Para sa iyo EM, maaari mong sabihin ang tunay mong nararamdaman doon sa taong nagugustuhan mo. PERO huwag kang umasang masusuklian niya ito dahil sa iyo nagmula na lalaki ang gusto niya. Pero who knows diba? Bigla siyang magkagusto rin sayo pero huwag kang umasa sa sinasabi ko dahil maliit na porsiento lamang iyon ng posibilidad. Pero malay mo, ERASE! ERASE! Em, ang mundo ay punong puno ng karagatan, maraming isda, huwag mong ialay ang pinakamaganda mong larawan sa isang taong hindi naman ito maappreciate. Maaari mo siyang maging kaibigan ngunit dapat ay matuto kang tanggapin na hanggang ganoon lang iyon at hanggang doon lang ang kaya niyang ioffer sa iyo. Hindi maganda ang one sided love story, nakakabuang ito at nakakapraning, sige ka papanget ka niyan. Katulad ng sinabi ko,