Part 37 "Kung minsan ang pag ibig ay maihahalintulad natin sa isang sasakyan. Kapag bagong bili ito ay smooth ang takbo at mas masarap gamitin. Pero habang naluluma ito ay nagkakaroon siya ng diperensiya at kung minsan ay nauuwi lang sa pagkasira. Katulad ng pag ibig, kapag bago ito ay masarap damhin, para kang nasa langit ika nga nila. Ngunit kapag nagtagal na ay nagreresulto sa pagkasawa at sa pagiging bored ng dalawang miyembro. Iyan ang dahilan kung bakit ang ibang magkakarelasyon ay naghahanap ng something different at sumusubok ng kakaiba upang buhayin ang lumalamig nilang pagsasama. Mga kaibigan, iyan po ang sitwasyon ng ating letter sender na itatago na lamang natin sa pangalang Josh. At ngayon ikalawang gabi ipagpapatuloy natin ang kanilang kwento na pinamagatang "Tatlo, Magkasa