Part 10 “Muli po ay binabati ko kayong lahat ng magandang gabi, alam kong nabitin kayo sa kwento ni Potpot kagabi kaya naman ngayon ay malugod kong inihahandog sa inyo ang ikalawang bahagi ng kanilang natatanging kwento. Ako po si DJ Midnight at ito ang Dreame Romance,” ang magiliw kong bungad sabay pindot ng themesong ng aming programa. Ang lahat ay nakatutok sa ikalawang bahagi ng kwentong binabasa ni Vincent. Hindi maipagkakaila na ang kanyang tinig sa radyo ay may convincing power at nakakahalina ng mga tagapakinig. Ang iba ay nasasabik at ang iba naman ay naiinspired dahil sa mgandang mensahe ng akda. Kinuha ni Vincent ang ikalawang pahina ng liham at patuloy itong binasa. “Sa pag lipas ng mga buwan, walang nabago sa samahan namin ni Lenard. Naging mas malapit pa nga kami sa isa’t