"WELL, well... Kanino kaya ako nagkautang at nakaalalang dumalaw ang mga Italyanong tulad n'yo." Masayang salubong ng may edad na ring si Victoria Catherine sa mga bagong dating. Ang female best friend niyang si Maria Isabelle na naging asawa ng kaniyang pinsan na si Aries Theodore. Magkakasama naman sila noong kapanahunan nila sa Navy. Pero nang nagsipag-asawa sila ay bihira na ring magkita kahit pa sabihing nasa iisa silang pamilya. "Tsk! Tsk! Imbes na magpasalamat ka dahil dumalaw kami ay kung kanino pa nagkautang ang naisip mo. Maaring patuluyin mo rin kami Mrs Xavier?" pabirong ismid at sagot ni Aries Theodore sa pinsan sa ikalawang henerasyon. "Tsura mo, Harden. Aba'y huwag ka ngang mag-feeling others diyan." "Besty, halika sa loob. Hayaan mo muna ang Harden na iyan at siya ang i