"Dad! Will you stay still? Ah, I'm going crazy because of you!" ani Tyler Theodore. "Huh? Bakit, anak? Aba'y anong masama sa ginagawa ko?" maang niyang tanong. Kaso si Louis Theodore naman ang nagsalita. "Maling-mali, Daddy. Kagaya nang sinabi ng englisero kong kambal ay nakakabaliw ka po. Kahit itanong mo po kay younger brother. Kami po ang nahihilo sa ginagawa mo," anito. Kaya't natampal naman niya ang sariling noo dahil sa tinuran nito. Kahit hindi niya itanong kung ano ang ibig sabihin nito ay alam na niya. Base na lamang sa huliang bahagi nang sinabi. "Mga anak, nininerbiyos lamang ako. Eh, kanina pa sa loob ang Mommy Zabelle ninyo." Pinaglipat-lipat na lamang niya ang paningin sa mga ito. Kasalukuyan naman kasing dumalaw ang mga anak niya sa naunang asawa sa kanilang mag-asawa