FEW years later... "Aba'y mukhang hindi ka pinagbigyan ni hipag kagabi ah. Susme, kambal. Tingnan mo nga naman ang mukha mo sa salamin. Aba'y kahit sino sa mga pinakamagaling na architect sa buong mundo ay hindi kayang iguhit ang hitsura mo. What's the matter wrong with you?" tanong ni Aries Hugo sa kambal. "Tsk! Tsk! Tsk! Sapakin mo ako kamo at talagang lilipad kang pauwi ng Pilipinas. Huh! Maari bang mayroon lang iniisip bago hindi pinagbigyan. Ah, baka ikaw naman ang hindi nakaungot kaya't nandito ka sa mansion?" Taas-kilay na baling ni Aries Theodore dito. Kaso mas nagsalubong ang malalago niyang kilay dahil napatawa ito ng malakas. Hindi lang iyon, halatang nag-eenjoy sa pang-aasar sa kaniya. Kaya naman ay magsasalita sana siyang muli kaso hindi na nagawa dahil eksaktong pumanaog a