"What's this all about?" inis na tanong ni Aries Theodore sa mga taong dumukot sa kaniya. Hindi na niya napigilan ang sariling huwag ilabas ang tunay na siya o ang pagiging military officer. Dahil wala namang matinong tao ang may gustong basta na lamang hinihila ng sino-sino. "So, tama pala ang sinabi ng mga tauhan ko," bagkus ay saad nito. Kaya naman ay mas nainis siya. Aba'y sino ang hindi maiinis sa ginawa ng mga ito? Tsk! Kung hindi lang niya iniisip na baka ang mga tauhan niya ang balikan ng mga ito ay kanina pa siya nag-resist. "Bago ko pa makalimutang nandito ako sa inyong teritoryo ay sabihin n'yo na kung ano ang pakay n'yo sa akin," aniya sa boses na maaring makabasag ng itlog dahil sa bigat. Subalit mas nainis siya sa naging sagot nito. "Mmm... Matapang ka nga, bata. Sigura