WALANG pagsidlan ng saya na naramdaman ni Doktora Sheann nang makabalik ang mag-ama niya na parehong ligtas. "Ate Allhe, kumusta si Switlyne?" "Okay lang ako! Buhay pa!" Si Switlyne ang sumagot na nakasandal sa truck. Patakbo naman niya itong nilapitan at biglang niyakap. "Mabuti naman!" paanas niyang sabi. At dahil sa pagkabigla ni Switlyne ay para itong naging yelo sa sobrang tigas. Hindi niya nagawa na tumugon sa yakap sapagkat nakaharap ang mga magulang ni Albert III. "Ehem! Ehem!" Parinig ni Tennio. Piping nakangisi ang lahat ng miyembro ng Pardus Force, dahil alam nilang pikunin at madaling maasar si Switlyne. "Okay na, nakakahiya sa kanila…" pabulong niyang sabi rito. "Oh! Sorry! Nabigla lang ako." Sabay kamot sa ulo niya. "Guys! Sa bahay na tayo mag-dinner ngayon,