NANG makarating sila sa Kampo ay nakahanda na ang mga militar, kahit si CGPA. Sirocco ay ready na rin. Kaya dali-dali silang pumasok sa kanilang barracks upang kunin ang kanilang military backpack at armas. Bago ang limang minuto ay nakabalik na sila at diretsong sumakay sa 6x6 military truck, at tanging Pardus Force lang ang sakay nito. Gusto sanang sumama ni Albert III, subalit hindi ito pinayagan ng Ama, sapagkat alam nito kung gaano ka delikado ang mission na kanilang pupuntahan. "Allheee…" boses ng Mama niya at tumakbo ito sa papunta sa sasakyan, nakasunod naman sa kanya ang bunsong anak. "Sandali lang Pa!" At dali-dali siyang bumaba upang harapin ang ina niya. "Allhe, mag-ingat ka." Bilin nito at malungkot ang mukha niya. "Huwag po kayong mag-alala, Ma. Mag-ingat ako, isa pa