bc

TAMING THE MILLIONAIRE

book_age18+
1.6K
FOLLOW
5.2K
READ
billionaire
revenge
arrogant
badboy
independent
drama
tragedy
bxg
city
secrets
like
intro-logo
Blurb

Luke Esteban grow in a very wealthy family, kilala ang pamilya nila sa mga successful businesses ng daddy niya. Syempre literal na mayaman, may pusong bato spoiled.

Hindi naging mabuti ang pagsasama nila ng daddy niya dahilan para maging pabaya si Luke, naging basagolero, lasinggero at puro babae lang ang inaatupag.

Naging pasaway na anak si Luke simula ng mamatay ang mommy niya at ang sanggol sa sinapupunan nito dahil sa daddy niya. Nagtanim siya ng galit at kailanman hinding-hindi niya mapapatawad ang daddy niya sa ginawa nito sa mommy niya. Dito na nagbago ang ugali ni Luke, hindi na siya ang dating Luke na workaholic, seryoso at mabait.

Hanggang sa dumating ang isang araw dunating ang tao na susubok sa ugali niya, susubok na ibalik ang dating Luke sa dati nitong ugali. Ngunit hindi naman nagpadala si Luke at pinahirapan niya ito hanggang sa sumuko na.

Ngunit paano kung mahulog siya sa patibong? Paano kung iba na ang nararamdaman niya sa babaeng susubok sa ugali niya.

Ngunit sinubukan din siya ng tadhana, kung gaano siya kalupit noon ay ganon din ang igaganti sa kaniya. Malalagpasan kaya ni Luke Esteban ang mga pagsubok na dadating sa kaniya?

TAMING THE MILLIONAIRE

Romance/Tragic

written by: Rogin2002

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: PAGSUBOK
CHAPTER 1. "Huwag ka nang bumalik dito nakakatakot ka baa mamaya malulugi ang negosyo ko nang dahil sa sakit mo!" sigaw ni Ate Myrna ang may-ari ng karinderya na pinagtatrabahuan ko. "Ate pasensya na po hindi na po mauulit," pagmamakaawa ko sa kaniya. "Ito na lang po ang inaasahan ko para makabili ng gamot ni Nanay," umiiyak na wika ko. "Hay naku, hija, maghanap ka na lang muna diyan ng mapagtatrabahuan," sagot niya at agad akong tinalikuran. Muli na naman akong naglalakad habang umiiyak, wala na akong ibang trabaho na mapasukan halos lahat pinasukan ko na pero ito rin ang naging resulta. Paano na si Nanay? Paano siya gagaling kung palagi akong pinapaalis sa trabaho? Hindi na ba talaga kami aahon sa kahirapan? Talaga bang araw-araw na lang kaming papahirapan? Sana pinatay mo na lang kmi kung ganito din lang naman pala kami mabuhay. Naglalakad na nakatingin sa itaas, umiiyak at nagrereklamo. Nagrereklamo kung bakit nagkakaganito kami, simula noon pa naghihirap na kami ni hindi ako makapag-aral sa hirap ng buhay at ngayong nagkasakit si Nanay mas lalo pang humirap ang buhay namin. Napatigil ako sa nagbebenta ng chicken joy at bumili ako ng isa at isang kanin at muling naglakad. Kailangan kong magtipid, napakalai ng babayaran ko sa ospital umabot nasa isang daang libo ang bill. Saan ako hahanap ng gano’n kalaking pera? Saan ako kukuha no’n? Nang makarating ako sa ospital ay agad akog pumasok sa kwarto ni Nanay mahimbing ang tulog niya at doon ako kumain sa tabi niya. Araw-araw akong ganito, pagkatapos ng trabaho dito agad ako pumupunta kay Nanay dahil wala syang bantay. Malubha na ang sakit niya kaya kailangan ng agarang gamutan pero paano siya magagamot kung wala naman kaming pera? Kaya nagdesisyon ako na maghanap ng trabaho habang siya ay nakikipaglaban sa sakit niya. Bukas na bukas maghahanap na naman ako ng trabaho, may tatanggap pa kaya sa akin? Sana meron. *** Kinabukasan ay maaga akong nagising, umuwi muna ako sa bahay upang maligo at agad akong pumunta sa sinabi ng kaibigan kong si Julian kung saan may raket. Pagkatapos kong mag-ayos ay agad akong pumunta sa nasabing lugar. "Bente isa ha, malaki ang kikitain mo dito kapag naubos mo ang limang tray sa isang araw kaya magsipag ka," wika ni Madam sa akin. "Okay po Madam," dinala ko na ang box at agad na binenta ang dala-dala kong balut. Naglibot ako sa buong parke at todo sigaw at ang saya ko kasi kahit papano may bumibili naman. "Balut!" "Uhm miss magkano isa?" Napalingon ako sa isang lalake na nakasaka sa mamahaling sasakyan. "Bente isa, kuya, murang-mura masarap at talagang titibay ang tuhod mo," sagot ko sa kaniya. "Talaga? Sige bilhin ko lahat," halos abot tenga akong napangiti sa sinabi niya at dali-dali kong inilagay ang mga balut sa plastic at binigyan siya ng suka. "Ba't ka nagbebenta ng balut sayang ang itsura mo ganda mo pa naman," pagsasalita niya habang abala ako sa inagawa ko. "Medyo mahirap kumita ngayon ng pera Sir eh, mabuti na nga lang at may balut pa," sagot ko naman. Gwapo itong batang 'to at halatang matangkad at sobrang puti at kinis ng balat. "Keep the change." "Maraming Salamat, Sir," wika ko. "Bukas bibili ako ulit kailangan nandito ka ha same time," saad niya bago umalis. Tumango lang ako at agad na umalis para kuwentahin itong benta ko at kung magkano ba ang magiging kita ko ngayong araw. "Abay sinuwerte ka ngayon, ha? Ito sampung tray, sigurado ako bibilhin niya lahat ito," at sampung tray ang ibinigay ni Madam sa akin para ibenta bukas. Malaki ang kinita ko ngayon at laking tulong ito pandagdag bayad kay Nanay sa ospital at para mas mabilis ang paggamot sa kaniya. Umuwi ako para magluto ng ulam at kanin para dalhin kay Nanay, pagdating ko sa bahay ay masayag nag-iinuman si Tatay sa dalawang kaibigan niya. Inis na inis ako sa kaniya dahil sa lahat ng paghihirap namin ni Nanay nandito siya, nagpapakasaya at nagpapakalubog sa alak. Hindi ko lang siya pinansin at pagkatapos kong magluto ay nagbihis na ako akmang kukunin ko na ang ulam ay nagulat ako ng wala na ito at nasa harap na nila Tatay at kinakain na nila. "Tay, ulam ni Nanay iyan!" sigaw ko sa kaniya. "Ikaw bata ka, hayaan mo na iyon kumain na 'yon!" sagot niya. "Tay kahit minsan hindi mo talaga kami tinulongan, alak lang ang inaatupag n’yo samantalang ako at si Nanay naghihirap, nagdudusa!" nanikip ang dibdib ko habang pinagsasabihan siya. "E, ‘di ikaw na ang magaling! Ikaw na ang superhero! Ha!" Nagulat ako ng isang malakas na sampal ang tumama sa mukha ko dahilan para mapaiyak ako sa sakit. "Tandaan n’yo ako nagpakain sa inyo! Kaya huwag na huwag mo akong susumbatan! Mamaatay kayo pareho ng ina mo!" sigaw niya sa akin. Hagulgol akong lumabas ng bahay, bumili ng ulam dahil ang niluto kong itlog ay ginawang pulutan nila Tatay. Ilang ulit niya na rin akong sinasaktan at dahil natatakot ako sa kaniya hindi na ako sumasabat pa para hindi na lumala pa at para hindi na ako saktan pa. Simula noong nagkasakit si Nanay at naghihirap kami hinayaan niya lang kami, alak at bisyo niya lang ang inaatupag niya. Minsan ninanakaw niya ang mga ipon kong pambayad kong pambay sa ospital kaya simula noon hindi na ako nag-iiwan ng pera sa bahay. Pangalawang asawa siya ni Nanay at matagal nang patay ang totoo kong tatay. Noong una, mabuti pa siya. maganda pa ang pakikisama niya at parang masabi mong ang bait-bait niya. Pero noong nagkasakit na si Nanay lumabas na ang tunay na ugali niya. Demonyo na. Hindi rin siya naghahanap ng trabaho para may mabili sa bahay, kaya nagkasakit si Nanay dahil siya ang nagtatrabaho para may pagkain kaming kakainin. "Nay, nakakapag-ipon na po ako," wika ko sa kaniya habang sinusubuan siya ng pagkain. Ngumiti lang siya sa akin at hindi na sumagot pa. Ito iyong kinaiinisan ko kay Nanay kasi kapag ganito siya napapaiyak na lang ako. Ang sakit makita siya sa sitwasyong hindi niya naman ginusto. Ang sakit sobra nakakadurog ng puso. Kaya ipinapangako ko sa sarili ko na gagawin ko lahat maipagamot lang si Nanay. Para lang gumaling siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
97.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
74.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook