NAIPASA ni Rebecca lahat ng exam. Kahit hindi naging maganda ang nangyayari sa pamilya nila nitong nagdaang araw ay hindi siya nawala sa konsentrasyon. Magmula noong nalaman ni Riegen ang tungkol sa kanila ni Symon ay hindi na niya nakita ang binata. Ang sabi ni Syrel, sa mamba house na raw umuuwi si Symon. Hindi rin niya ito nakikita sa academy. Nalulungkot siya dahil hindi na ata mangyayari ang pangako ni Symon na ipapasyal siya nito sa ibang lugar. Tumambay siya sa food center pagkatapos ng klase. Inukupa niya ang lamesang pangdalawahan. Nakatitig siya sa result ng exam niya na nasa kanyang netbook. Naramdaman niya na may umupo sa katapat niyang silya. “Hi!” bati ng pamilyar na tinig ng lalaki. Ibinaling niya ang tingin sa kanyang kaharap. Si Jared. Napatingin siya sa hawak nitong pu

