v. two queens

1684 Words
Naniniwala si Nathan na hindi lamang sa mundo ng tao nagtatago ang mga katulad niyang walang lugar sa Olympus. Naniniwala siyang ang kaniyang mga kauri ay watak-watak na namumuhay sa iba't-ibang mundo. At kasama na rito ang mundo ng fairytales. It's funny how things are getting more complicated. Ang mundong inakala nilang kathang-isip lamang ni Christian Andersen ay pawang may katotohanan din pala. Ni hindi nga nila alam na ang mismong manunulat na ýon ay may tinatago ring sikreto sa kasaysayan. Walang imik si Nathan na naglalakad papunta sa isa pang kaharian. Madali lang sana kung hindi naglaho ang iba niyang kapangyarihan. Kanina pa sana siya nakarating sa palasyo. Kanina pa sana niya nakausap ang reyna ng Yuteria. Kung tutuusin, kay tagal na rin pala. It's been a long time since he has seen her. Pinaghalong excitement at pangamba, Nathan wonders if meeting her again is bad....or worse. Napapikit siya ng mga mata. Habang, palayo siya nang palayo sa Wonderland, paganda naman nang paganda ang kapaligiran. Mula sa mala-patay na atmospera, napalitan na ito ng buhay at pag-asa. Nagkakulay ang buong paligid. Ang mga sanga ay nagkadahon na. Dumadami na rin ang mga bulaklak na malayang nakatanim sa daananan. Madami na ring hayop ang nakikita. Sa isang banda, alam ni Nathan na hindi siya nagsisisi sa kaniyang ginawang desisyon noon. Habang napapaisip siya sa kaniyang nakaraan, hindi maiwasan ni Nathan ang kirot sa kaniyang puso. Pero, winaksi niya lang ito at nagpokus sa kasalukuyang kalagayan. Ang reyna ng Yuteria. They may have different lives now, o kahit hindi naman sila nagkakasundo noon, alam niyang may kung anong tali sa kanilang buhay na nakalagay sa kanilang tadhana. Isa iyong uri ng tali na hinding-hindi makukuha ng kung sinuman man. Napabuntong-hininga si Nathan. He's getting old for this s**t. He misses her, without doubt. At alam niyang ang reyna lamang ang tanging nilalang na makatulong sa kaniya – ang makabalik sa mundo ng mga tao. Whether it's not his world or somehow does not belong in any world, that place seems a place for him. Para siyang natatawa nang plit. Wala naman talagang mundo na tanggap siya bilang siya. Such world does not exist for someone like him. Mabuti pa ang reyna. Nahanap na niya ang kaniyang lugar at pagkakilanlan. Nakakaawa. Pero, dapat ang sarili ay hindi dapat kinakaawaan. Dapat magpatuloy. Huminga. At mamuhay. Kahit pa ang ibig sabihin nito ay mamuhay nang walang dahilan. Nagpakawala na naman siya ng hangin sa kaniyang bibig. Ano na lang ang sasabihin ng reyna kapag magkita na sila? Ano na lang ang reaksiyon nito kapag sasabihin na niyang kailangan niya ng tulong? Hindi kaya siya nito pagtatawanan nang sobra? O baka nga, babatukan ka. That one simple, yet shitty thought. It kills him. Kahit pa sabihin pa niyang ito ang una nilang pagkikita pagkatapos ng isang madugong labanan noon, hindi pa rin niya maalis-alis sa kaniyang isipan ang babaeng iyon. At habang nakatingala siya sa mahiwagang pader ng Yuteria, alam niyang wala na itong atrasan. Paano ng aba niya makakausap ang reyna? This is going to be more complicated that he has every thought it would be. "Hindi ka isang Yuterian." Isang malamig na boses ang nadinig ni Nathan. Nagpalinga-linga pa siya, ngunit wala siyang nakikitang pigura ng tao. "Ang mga katulad moý walang karapatang lumapit sa aming palasyo." Natawa si Nathan nang wala sa oras. Hindi niya aakalain na pati ang harang ng palasyo ay gawa sa kakaibang mahika. Humarap siya sa naiibang pader ng Yuteria. Hindi katulad ng mga normal na kawal at guwardiya, mas pinili ng reyna ang paggamit na mahika at elemento bilang pangharang sa palasyo. Nakakamangha sa isang baguhan na reyna. "Magsalita ka, tao." Isa pang boses ang naririnig ngayon nni Nathan. Medyo buo ang boses nito at mukhang hindi iyon natutuwa sa kaniyang presensiya. Parehong panlalamig at init ang kaniyang nararamdaman, mas pinili niyang kumalma sa sitwasyon. "Apoy at Tubig, pwede ko bang makita ang reyna?" Mas lalong nagliyab ang apoy sa labas ng palasyo at naghugis itong tao. "Isa kang tampalasan, estranghero! Ano ang iyong pakay at nais mong makita an gaming reyna?" Bago pa man siya nakapagsalita, nilamon na siya ng tubig. Nagpupumiglas si Nathan na makalabas at makakuha ng hangin, subalit mas lalo lamang lumalaki ang naging sakop ng element. "Ang nararapat sa 'yo'y mawala. Nangangamoy Wonderland ka. Panganib ang iyong hatid sa reyna. At hindi namin iyon papayagan." Habang tumatagal si Nathan sa loob ng bulang tubig, alam niyang nanganganib na ang kaniyang buhay. "Paalam na, estrangero!" Ngunit, isang kakaibang enerhiya ang naramdaman ni Nathan. Bumulaga iyon sa dalawang guwardia na element at napokus ang kanilang atensiyon sa bagong dating. "Don't just act like a fool, human. Move!" Hindi pa siya nakahuma sa boses na iyon, naramdaman na lang ni Nathan na may kung ano'ng enerhiya ang humatak sa kaniya, papalabas ng tubig. Tumilapon siya sa isa sa mga puno na nandoon at matindi ang kaniyang pagkakabagsak sa lupa. He could barely breathe out of pain. Umubo-ubo pa siya habang nakahawak sa kaniyang leeg. "Ang reyna ng Wonderland!" bulayaw ng element ng apoy, na kaboses ang babaeng hindi nalalayo sa edad ng labing walo. Nahihirapang gumalaw si Nathan habang papalapit naman sa kaniya ang reyna. Hindi lang siya nilunod sa tubig, kundi tinanggalan din siya ng lakas. "I said move!" paninigaw na naman sa kaniya ng reyna. Parang pahina nang pahina ang boses nito. Pati na rin ang kaniyang mata ay palabo nang palabo. He has never been this tired and weak in his entire life. Hindi niya tuloy alam kung maiinis sa pagiging inutil niya sa mga panahong ito. Kung bibilib sa ginawang pagbabago ng harang sa Yuteria. *** Hindi alam ni Xoria kung bakit siya napadpad sa ibang kaharian, lalo na sa isang lugar na wala siyang kasiguraduhan sa kaniyang kaligtasan. Ni hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili kung bakit ba siya nagkaroon ng kuryosidad sa lalaking ito. "Move! I said move!" gamit ang ibang wika na hindi naman niya nakagisnan, napatalon pa ang reyna ang buhahan siya ng apoy ng isa sa mga tagapagbantay ng elemento. Napatigil siya sa kaniyang pagtakbo dahil nasunog na ang harapang bahagi ng daan – humahati sa distansiya nilang dalawa. This is not a good idea. She knows that too. "Ang reyna ng Wonderland." Bulong-bulungan ng dalawang elemento. "Ang reynang nagpabagsak sa sariling kaharian. Hindi dapat siya makalapit sa reyna ng Yuteria!" Hindi na niya maitnindihan kung ano ang nangyayari. Nagpakawala ang tagabantay na gawa sa tubig ng mga bola na kasing laki ng kamao ng tao. At hindi lamang iyon, nilagyan din iyon ng tagapagbantay na yari sa apoy ang maliliit na bula na iyon ng ma maliit pang bola sa loob. Werd, ni hindi ito na-dissolve habang magkasama ang tubig at apoy sa iisang bula. Subalit, kapag matatamaan ito ang kahit anong bagay ay kaagad itong sumasabog na parang bomba. She must admit how creative the queen of Yuteria is. Unang bulang sumabog, napatalon ang reyna nang wala sa oras. Malapit iyon sa kaniyang tagiliran. Sa lakas ng impact, hindi maganda ang kaniyang pagkakabagsak sa lupa. Nagkaroon siya ng suhat sa kanang tuhod at braso. Subalit, hindi niya iyon pinansin. Napalingon siya sa lalaking hindi pa rin gumagalaw kahit na ilang beses na niya itong sinigawan. Wala siyang magawa kundi gamitin ang isa sa kaniyang kapangyarihan, at nag-teleport sa gawi ng lalaki bago pa man tumama ang tatlong bula sa katawan nito. At nag-teleport na naman sa pinakaligtas na lugar. Batid ng reyna na isa itong malaking kahibangan, subalit wala na siyang magagawa pa. Kailangan niyang iligtas ang lalaking maaring susi ng kaniyang mga katanungan. "Y-You can teleport—" mahinang sambit sa kaniya habang magkahawak pa rin silang dalawa ng kamay. Imbes na tingnan ang mga mata ni Nathan na tila ba namangha sa kaniyang ginawa, mas binigyan ng pansin ng reyna ang dalawang element na tila ba'y hindi natutuwa. "Yes, but I can only do that in a short distance." Iyon lang ang kaniyang sinabi. Ayaw niyang malaman nito na paubos na nang puabos ang kaniyang lakas. At habang patagal nangpatagal ang kaniyang misyon, mas lalo lamang naging malubha ang kaniyang kalagayan. "Kailangan nating makalampas sa dalawang elemento at makapasok sa loob." Kumunot ang noo ng reyna sa sinabi ng kaniyang kasama. "Nahihibang ka na ba? Nakikita mo ba ang sitwasyon nating dalawa? Paano naman natin malulusutan ang –" Hindi pa siya nakapagsalita, sumabog ang malaking bato na nasa kanilang harapan dahil sa mga bulang para bang sumasayaw sa hangin. "Kailangan kong makita ang reyna ng Yuteria.." "Dapat sinabi mo kanina na gusto mo nang magpakamatay para hindi na kita sinundan pa!" pagalit niyang wika kay Nathan. "I told you to leave. Sinabi ko rin na huwag mo akong susundan." He reminds her. Gusto mong basahin ng reyna nilalaman ng utak nito, alam niyang masyado itong madilim at malalim. She knows that he has a plan. Panigurado iyon. Hindi naman ito pupunta sa lugar na ito nang walang dahilan. Ang kailangan lang niya ay magtiwala. Pero... hindi na niya maalala kung kalian pa siya huling nagtiwala.Trust is something that must be earned instead of giving it freely to anyone – lalo na sa isang estranghero. "Bilib din ako sa katigasan ng ulo mo. I just saved your life," mahina niyang sabi. "Mas bilib din ako sa expression ng mukha mo na hindi nagbabago, kahit na alam kong inis na inis ka na." Sanay na ang reyna sa ganito. Iyong walang pinapakitang emosyon. "Hindi ko kailangan ang puna mo. "And I don't need your help, your highness." Napatigil silang dalawa nang biglang bumukas ang isang lagusan, at bumulagta ang isang babaeng may korono sa uluhan nito. Suot-suot ang kulay asul na bestida, nakasimangot itong nakatingin sa kanilang gawi. Tumigil din sa pananalakay ang dalawang elemento at sabay-sabay pang yumuko sa harapan nito. Akala niya kung ano na ang mga susunod na mangayayari. Subalit, nagulat ang reyna ng Wonderland nang bigla na lamang niyakap ng reyna ng Yuteria ang estrangherong katabi niya. Niyakap nang mahigpit...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD