"I said stop!" ulit ni Nathan na hindi pa rin makapaniwala. Mabuti na lang at walang tao masyado sa underpass.
Nang mapagtanto na nagbingi-bingihan lamang ang reyna, wala siyang sinayang na segundo at tumakbo nang matulin sa gawi ni Xoria.
Pinalabas niya ang kaniyang kidlat na kapangyarihan sa kaniyang mga kamay. Dahil do'n, lumiwanag ang buong underpass.
"Bitiwan mo 'yan," warning niyang muli. "Don't eat her!"
Nilingon siya ni Xoria na hawak-hawak pa rin ang tinapay na hugis-tao.
"Hindi ka ba nagugutom?" tanong nito.
"Sino ba namana ng hindi?"
"Gutom na gutom na ako. Huwag mo akong pakialaman. Mind your own business." Matigas ang boses ng reyna, na mas lalong nagpadisgusto kay Nathan.
Ano ba ang ini-expect niya sa isang 'to?
Susunod lang ang Red Queen ng basta-basta?
He is a fool if he really thinks that way. Nagpakawala siya ng lightnight bolt sa kaniyang kamay at inihagis sa gawi ng reyna na hindi rin naman nagpatinag.
"This is my business because you are in my world." Muling naglabas si Nathan ng kuryente at pinagapang niya ito sa lupa, papunta sa katawan ni Xoria na nagulat sa kaniyang ginawa.
Nalaglag ang tinapay sa lupa at naging daan iyon ni Nathan para sugurin ang babaeng may kakaibang trip sa buhay. If she wants to fight for her food, p'wes, handa na rin siyang mang-agaw.
Kahit walang nakikitang emosyon, batid ni Nathan na wala na rin ito sa mood. Hell, pareho lang silang dalawa. Humarap sa kaniya ang reyna at paunti-unti ay pinalibutan siya ng kakaibang pulang liwanag. Sa sobra niyang taranta na baka mahuli sila, o may mga mata na palang nakamanman sa kanilang dalawa, mas minabuti ni Nathan na pakalmahin ang sarili.
Batid niyang hindi makakatulong ang pagsabay sa bad mood ng iba, kahit pa gustong-gusto na niyang tirisin ang isang 'to.
"Look . ." Napabuntong-hininga siya sa reyna. "May mga bagay na iba sa iyong mundo at mundo ng mga mortal. "Kung ayaw mong magkaroon ng problema sa loob ng tatlong araw, matuto kang makinig kahit ngayon lang. I am not saying this to make you inferior. I am saying this to save us from trouble."
There.
He has said a lot. At dahil wala naming matinong reaksiyon ang reyna, mahirap hulaan ang susunod nitong hakbang.
Lumingon ito sa nahulog na tinapay. "Hindi ka pa ba nakakatikim ng tinapay?"
He narrows his eyes. "Tinapay na yari sa tao? Hell, no. Hindi pa ako nahihibang."
Tinitigan muna iyon ng kaniyang kaharap ang tinapay sa may kalsada, sabay napabuntong-hininga. "You can say that because you haven't eaten a single human before."
Iisipin pa lang 'yon ni Nathan ay parang masusuka na siya.
Kadiri.
Gamit ang sariling kapangyarihan, ibinalik niya ito sa tunay nitong anyo. Katabi sa mga nagkalat nitong libro sa semento, mahimbing na natutulog doon ang babaeng estudyante na wala man lang kamuwang-muwang sa mga nangyayari.
"Isang bangungot. Iyon lang ang maalala niya." Iyong lang ang sinabi ni Xoria.
Ni hindi na niya tiningnan muli ang babaeng biniktima niya.
"Good or else we'll be in good trouble."
Nagsimula na silang maglakad. Nakahinga na siya ng maluwag dahil kahit papaano ay sumusunod din pala ito sa kaniya. Pero, kahit na ganoon, lihim na napangiti si Nathan. Nananalo siya. Ang babaw, pero natutuwa talaga siya.
Pati siya ay kumakalam na rin ang sikmura. They need to find food as soon as possible.
"Nakakain ang tao. Masarap kainin ang karne tao. Nakakawa kayong mga nilalang. Hindi niyo alam ang sarap na dulot ng pagkain ng mga mortal."
Saan ba niya napupulot ang ideya na pagkain ang isang tao?
Disgusting.
Ang daming naglalaro sa kaniyang isipan. Parang ayaw niyang tanungin ang isang ito kung nakatikim na ba siya ng karne ng tao. Nakakadiri talaga.
Mas lalo lamang siyang mandidiri kung alamin pa niya kung pati ang reyna ay kumakain talaga ng tao. Base sa ginawa nito kanina, walang duda na may katotohanan ang kaniyang iniisip.
He narrows her eyes. "Hindi kinakain ang mga tao. Pinagbabawal iyan sa mundong ito."
"Hindi bawal sa mundo namin."
Stunned, tumamik na lang si Nathan. At habang masuka-suka na siya sa ideya na iyon, may kung anong pumasok na sa kaniyang utak.
"May mga taong nakakarating sa mundo niyo?"
Napatigil si Xoria sa paglalakad at humarap sa kaniya. "Hindi si Alice ang unang mortal na nakarating sa Wonderland. Ang iba, hindi na nakakabalik sapagkat may parte ng Wonderland na ginagawang pagkain ang mga mortal. Ginagawa nilang napaka-espesyal na putahe para sa isang pagdiriwang."
Nakakagulantang. Pero, ano nga ba iyon sa kaniya? Wala siyang panahon para magbigay ng simpatya sa ibang tao. Nothing really matters when the world has no concern for him, either.
Nagsimula na naman siyang maglakad, subalit hindi na sumunod sa kaniya si Xoria. Alam niyang naguguluhan siya sa mga nangyayari, pero pasasaan ba't matututunan din nito ang batas ng mga mortal. Kahit tatlong araw lang. Kahit saglit lang, kailangan niyang makisama. At sa katulad niyang Red Queen, hindi iyon ganoon kadali.
"Tara! Bago natin gawin ang sinasabi mong misyon. Kailangan muna nating kumain. At may mas masarap pa sa mga tao. Kung gusto mong sumama ako sa 'yo, nararapat lamang na sumunod ka sa batas ng mundong ito. Wala ka na sa Wonderland."
*****
Limang kanto ang layo sa pangyayari, nakaramdam kaagad si Nathan ng pamilyar na aura sa kapaligiran. Ganoon pa rin kapusyaw ang pintura ng restaurant. Napapalibutan ng iba't-ibang uri ng orchids ang labas nito. Sa labas din ay may mga nakalagay na maliit ma bilugang mesa at silya. Natatanaw na niya ang kaniyang paboritong spot – ang mesa sa pinakagilid, katabi ng puno ng Santol.
Palagi siyang nandito sa tuwing naiisipan niyang mag-jogging. Dito na siya kumakain ng agahan. At habang sinasariw niya ang lahat ng alaala, napansin niya ang babae na kahit siguro sa panaginip ay hinding-hingi na niya makakalimutan.
Gusto niyang ngumiti. Gusto niyang lumapit. Gusto niyang ihakbang ang kaniyang mga paa, papunta sa puwesto niyo. Subalit, napatigil si Nathan. Nauutal. Nawalan ng hininga. Lalo na at mayroon itong kasamang iba.
Ang mahal niyang ex.
Si Claire.