"KASAL?!" Histerikal na sabi ni Tricia at halos mabinggi na si Derick sa tinis ng boses nito. "Can you please lower down your voice? Katabi mo lang ako." Nakangiwing sabi nito at patuloy pa rin sa pagmamaneho. "Paano ko naman ikakalma to kung puro kalokohan naman yang pinagsasabi mo? My gulay!" kahit may aircon sa loob ng kotse nito ay tila nagliliyab sya sa inis. "I'm serious. Pupunta na tayo sa abogado ko and we will sign the marriage contract then next month nalang yung church wedding kung yun ang gusto mo." Prenting sabi nito na parang business deal lang ang inooffer nito habang laglag naman ang panga ni Tricia sa narinig. "Teka bakit planado na lahat? Sir baka nagkakamali kayo ng akala. Ang kasal po hindi sya business proposal na may contract lang for several years! It's a lifetim