Chapter 48 Kasalukuyang binabasa ko ang script habang nandito nakaupo sa loob ng tent. Narinig ko nagtatawanan sina France at Vladimir habang hinahabol ng kapatid ni Amara ang mga anak ko. Naglalaro ang mga ito. May bigla humalik sa pisngi ko kaya nagulat ako at napalingon. Bigla tumawa si Fabian at inabutan ako ng bulaklak. "Gosh! Ginulat mo ako," ani ko na napahawak sa dibdib. Tumawa lang si Fabian sinabi na masyado ako busy. "Buti nakaka-focus ka. Ang ingay ng mga bata," ani ni Fabian at umupo sa tabi ko. Natutuwa na inamoy ko ang mga bulaklak. "Matagal na ako sa industriya. Mukha ba madi-distract ako sa ganiyan kaunti na ingay?" tanong ko. Naaalala ko na 'nong first time ko mag-act kahit nagwo-work ako as a part timer sa isang convenience store nagbabasa ako ng script. "May