03

1288 Words
Chapter 03 3rd Person's POV Nakababa na sila sa sasakyan. Nakarating sila sa napakalaking mansion. May mga maid doon na agad sila binati. "Mommy, ito ang house natin. Naalala mo?" tanong ng bata habang hawak ang kamay ni Sonia. Hindi nakapagsalita si Sonia. "France, hindi siya ang mom—" "No! Siya ang mom ko!" sigaw ng bata at yumakap sa bewang ni Sonia. Nakagat ng babae ang gilid ng labi. Bumuga ng hangin ang lalaki. Tiningnan nito si Sonia at sinabing pumasok na muna sa loob. May ilang maid ang sumunod at butler. Nanatiling nakayuko si Sonia dahil sa mga pinupukol na tingin ng mga ito sa kaniya. Noong nakapasok sila sa loob ng mansion biglang nawala ang mga taong kasunod nila kanina lang. Pinaupo ng lalaki si Sonia sa sofa. Umupo si Sonia katabi ang batang lalaki. "France, mag-shower ka na at magbihis," ani ng lalaki na kasalukuyang niluluwagan ang suot na kurbata. "No! Hindi ako aalis. Paalisin mo ulit si mommy!" sigaw ng bata. Tiningnan ng lalaki si Sonia at parang sinasabi nito na magsalita. Tumikhim si Sonia at lumingon kay France. Sinabi ni Sonia na hihintayin niya doon ang bata. "Hindi ako aalis," ani ni Sonia. Kumurap ang bata at tinaas ang pinky niya. "Promise?" Nakita ni Sonia ang anak sa batang lalaki. Kumurap si Sonia at bahagyang ngumiti tinaas ang kamay niya at nag-promise. Agad na tumayo ang bata at tumakbo pataaa ng hagdan sinabing bababa ulit siya. "Pasensya ka na sa anak ko. Hindi niya pa kasi naiintindihan na hindi na babalik ang mommy niya," ani ng lalaki at umupo sa kaharap na sofa na inuupuan ni Sonia. "Wala pang dalawang taon noong mamatay ang ex wife ko. Nahihirapan pa si France tanggapin iyon," dagdag ng lalaki. Hindi alam ni Sonia ang sasabihin kaya nanatili na lang siyang tahimik. "Ipapahatid na lang kita kung saan ka nakatira after natin kausapin si France," ani ng lalaki. Nakatingin lang si Sonia at maya-maya umiwas ng tingin ang babae. "Wala na akong uuwian. Ibalik niyo na lang ako mamaya sa park," ani ni Sonia. Doon siya natutulog after siya palayasin ng mga Valencia. "Then pwede ka manatili dito. Kung hindi mo mamasamain maari kang maging nanny ni France," ani ng lalaki. Napatigil si Sonia at napatingin sa lalaki. Bahagyang napakamot sa pisngi ang lalaki. "Kung ayos lang sa iyo. Hindi naman mahirap i-handle si France as long as naniniwala siyang ikaw ang mommy niya," ani ng lalaki. Napakunot ang noo ni Sonia. "Bukod sa pagiging nanny nais niyo na magpanggap ako na mommy niya?" tanong ni Sonia. Sinabi ni Sonia na kung gagawin iyon ng lalaki hindi magiging magandang epekto iyon sa bata "Pasensya na mister. Payag ako sa magiging nanny dahil kailangan ko din ng trabaho pero magpanggap bilang mommy ng anak niyo hindi ako papayag. Ma-may anak din ako," ani ni Sonia. Sandaling napatigil ang lalaki then umiwas ng tingin. Humingi ng paumanhin ang lalaki. Bumaba na si France at tinawag si Sonia na mommy. Hinawakan ni France ang kamay ni Sonia. Lumambot ang expression ng babae. "Hindi ako ang mommy mo. Mukhang napagkamalan mo ako dahil nakabenda ang mukha ko pero hindi ako ang mommy mo," ani ni Sonia. Hindi umimik ang bata. Itinaas ni Sonia ang kamay at paisa-isang inalis ang benda sa mukha niya. "See hindi ako ang ina—" Napatigil si Sonia matapos hawakan ni France ang pisngi niya. May malambot itong expression at nakatingin sa mga mata ni Sonia. "Are you hurt? Mommy," ani ng batang lalaki. Hindi natakot sa kaniya ang bata ngunit hindi din nito pinansin ang sinabi niya. Nanubig ang mga mata ni Sonia. Bigla niyang naalala ang anak at niyakap ang batang si France. Hindi na ni Sonia napigilan ang emosyon. Pagod na pagod na siya. Sinabi ni Sonia na hindi siya masamang tao gusto niya lang maging mabuting ina. Patuloy lang si Sonia sa pag-iyak habang yakap ang batang si France na ngayon ay yakap ang ulo ni Sonia. Matapos nag iyak session ni Sonia. Halos lumuhod naman ito sa harap ni Fabian Martinez para humingi ng tawad. Sinabi ni Sonia na namimis niya lang ang anak niya. Ngumiti ang lalaki at sinabing ayos lang iyon. Tiningnan ni Fabian ang anak na ngayon ay natutulog sa lap ni Sonia. "Gusto ka ni France. Mukhang hindi ka niya tinatawag na mommy dahil nakita niya sa iyo ang ex wife ko," ani ng lalaki at straight na tiningnan sa mata si Sonia. "Maari ka mag-stay dito as a nanny ni France. Maari ka mag-stay sa isang room na nakakonekta sa room ni France," ani ni Fabian. Natutuwa si Sonia dahil sa pinakikitang konsiderasyon ni Fabian hindi ito nagtanong about sa anak niya at rason sa pag-iyak nito. "Anyway," ani ni Fabian bago tumayo. Naglakad palapit kay Sonia at inabot ang kamay sa babae. "I'm Fabian Martinez and my son— his name is France Martinez, the you need to take care of," ani ni Fabian. Nakatingin lang si Sonia kay Fabian. Naalala niya as a model isa lang siya sa mga taong tumatabi at sinusundan ng tingin si Fabian kapag naglalakad. Ngayon nasa harapan siya nito at aalagaan ang anak nito. Inabot ni Sonia ang kamay ni Fabian. "I'm Sonia Valenci— Salazar, Sonia Salazar," ani ni Sonia. Ngumiti si Fabian at sinabing kinagagalak niya makilala si Sonia. Hindi alam ni Sonia kung ganito ba talaga kabait si Fabian sa personal kasi naalala niya noong trainee pa lang siya nasa iisang agency siya short tempered din ito talaga at wary sa ibang tao like snob. May issue pa nga na kumalat na tinapunan daw ni Fabian ng tubig sa mukha iyong isa sa mga sponsors niya. Binitawan na ni Fabian ang kamay ni Sonia. Binuhat ni Fabian ang anak na lalaki. Bumulong-bulong si France ng mommy. "Sumunod ka sa akin dadalhin kita sa room mo at bukas ipapakilala kita aa iba pa na maid," ani ni Fabian. Tumayo na si Sonia. Tumalikod si Fabian at naglakad. Sinundan ni Sonia si France. "Hindi naman alagain si Fabian. Wala ka lang ibang kailangan pala gawin makipaglaro sa kaniya at bantayan siya sa lahat ng pagkakataon after ng school. He can take care himself kahit paglilinis ng room niya, pagbibihis at pagpapaligo," ani ni Fabian. Napatingin si Sonia. "He can't," bulong ni Sonia. Napatigil si Fabian at lumingon. Napakurap si Sonia at bahagyang tumingin sa ibang direksyon. "I think iyong mommy niya ang dating nagbibihis sa kaniya at nagpapaligo pero dahil wala ang mom niya wala siyang choice kung hindi ang asikasuhin ang sarili niya," ani ni Sonia. Bahagyang natawa si Fabian at sinabing masyadong maraming alam si Sonia sa bata. "I have a son too. Ganoon din siya kapag wala ako. May mga maid din naman kami pero ayaw niyang may ibang nag-aasikaso sa kaniya bukod sa akin," bulong ni Sonia. Napatigil si Sonia matapos may ma-realize. Nasabi niya lahat iyon sa isang lalaking hindi niya naman ganoon na kilala. Napatingin si Sonia. Ngumiti lang si Fabian at sinabing nasa tapat na sila ng room ni France. Binuksan agad ni Sonia ang pinto. Pumasok si Fabian sa room ng anak. Sinabi ni Fabian na pumasok si Sonia. "Kapag gabi na at tulog na si France nila-locked ko ang pinto ng room niya. Kung maaari pakiramdaman mo siya palagi— may mga time kasi na nagi-sleep walk siya natatakot ako na mahulog siya sa hagdan," ani ni Fabian matapos ibaba sa kama ang anak. Napatigil si Sonia. "Sleepwalk?" ulit ni Sonia. Sa edad na iyon nagi-sleep walk. "Yeah, pumupunta siya sa room ng mommy niya na nasa baba o sa pond," sagot ni Fabian na ngayon ay nakatayo sa gilid ng kama at nakatingin sa iisang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD