Chapter 11 "Ano iyan? Pahingi ako." Napatigil ako at napatingala. Nakita ko sa likuran ko si Grace nakatayo tapos nakatingin sa lunch box na ginawa ko kaninang umaga. Maaga kasi ako nagising. Late din nagising si mom kaya ako na nagluto ng breakfast at gumawa na din ako ng lunch box. "Kumakain ka ba ng bacon? Akala ko ayaw mo ng lasa kaya hindi kita nilagyan sa lunch box." Nagsandok ako tapos sinusubo iyon kay Grace. Yumuko si Grace para isubo iyon pero tumama buhok niya sa mukha ko kaya hinawi ko iyon. Sinubo niya iyong nasa kutsara tapos tumawa. Sinabihan ako ng cute tapos umupo sa tabi ko. "Wait. Ano lunch box tinutukoy mo? Ginawan mo din ako?" tanong ni Grace. Sumagot ako ng yes. "Binigay ko kay France. Hindi niya ba binigay sa iyo? Maaga ka kasi umuwi kanina kaya hindi ko