Chapter 45 5 years old ako 'nong mawala ang parents ko dahil sa isang car accident. Hindi ko makakalimutan kung paano ako nagmakaawa sa maraming tao na nasa lugar na din iyon na iligtas ang parents ko. Kung hindi dahil sa safety bag na nasa backseat na nilagay ng parents ko para sa akin. Patay na din ako. Hindi ko alam kung maganda ba na kapalaran iyon dahil nabuhay ako or panget dahil naging mag-isa na ako after 'non. Naaalala ko din kung paano ko sigawan at hampasin iyong batang lalaki na hindi nalalayo ang edad sa akin at sisihin ito sa lahat ng nangyari sa parents ko. Ang bata na iyon ang dahilan bakit kami naaksidente. Iniwasan siya ng dad ko kaya nawalan kami ng kontrol. Sa huli sinara din nila ang kaso dahil aksidente nga ang nangyari. After 'non dinala ako sa orphanage.