Chapter 05 "Bakit kayo lalabas?" Nagpapaalam kami ngayon sa guard. Sinabi ko na may period kaibigan namin at wala extra sa clinic. Tiningnan ng guard si Vlad na nasa likuran ko. Napalingon din ako at nakita ko na nakataas kamay ni Vlad sinabi na walang siyang period. Gusto ko tumawa but— sinamaan na ako ng tingin ni Vlad. Pati iyong guard natatawa kasi mukhang hindi iyon ang reason bakit siya tiningnan ng guard. "Kayong dalawa ba lalabas?" tanong ng guard. Nag-yes ako. Kinuha niya I.D namin tapos pinalagay pangalan namin sa log book. Pagkalabas ng gate dumiretso kami sa isang grocery store malapit doon. Hinanap namin agad ang estante kung saan iyong sanitary napkin. "I think may problema tayo," ani ni Vlad. Nakaharap kami ngayon sa estante na may iba't ibang brand ng pads. "B