KABANATA 2

1022 Words
MATALIM ang pinukol kong tingin kay Kuya Hunter habang nagmemeryenda kami sa bahay nila. Nag-bake si Tita Emma ng carrot cake and cookies kaya pinapunta ako sa kanila. Nasa kusina kami kasama si Ate Venice at Italy. Si Ate Sha-sha nasa classmates niya dahil may project na tinatapos pero mamaya susunduin ni Kuya Hunter. "How about political science? Sundan mo si Kuya mo Hunter para may mag-ga-guide sa'yo," ani ni Tita Emma habang nilalagay ang cookies sa cooling rack. Napangiwi ako samantalang humagalpak ng tawa ang siraulo. "Si Amanda? Pag-aabogadohin mo? Isang page nga lang sa libro humihikab na 'yan, eh. Magaling lang 'yan mangatwiran sa akin tsaka kila Tita Lorena pero hindi 'yan makakapasa sa law school." Natatawa nitong sabi. Umusok ang ilong ko sa galit. Nilamukos ko ang tissue at binato sa kanya. Tawa ng tawa 'yong kambal at nagulat naman si Tita Emma. "Hunter! Masyado ka naman kay Amanda. Kapag 'yan naging successful sa kahit anong gawin niya. Mapapahiya ka talaga. Usually ang mga ganyan, hindi mo aakalain na sila pa 'yong may magandang trabaho. Nakapasa sa board exam. Mas angat. Kaya tigilan mo pambu-bully. Hindi nakakatuwa." Inirapan ko siya ng pagsabihan siya ni Tita. "Alam ko na ang bagay sa'yo, Amanda. Why don't you enroll in a fashion school? Hilig mo kasi mag-ayos. Nakita ko 'yong drawing mo magaling ka mag-sketch. Di ba may mga gowns ka na sketch last year?" Tumango ako at hinipan ang cookies bago balingan si Ate Italy. "Yup! Pero for fun lang 'yon, Ate. I want to challenge myself. Nakita ko kasi sa classmate ko 'yon and sabi ko kaya ko ding gawin. Pero kung sa course... parang hindi ko gusto." I said and bite my cookies. "Hmm... ayaw mo rin sa business. How about aviation?" si Ate Venice. "Takot 'yan sa heights! Nagdadasal nga 'yan kapag nasa eroplano tayo 'di ba! Turbulence lang nanginginig na 'yan!" Humagalpak siya ulit ng tawa. "Nakakatawa 'yon?" tanong ko sa kanya na tinawanan ulit ng kambal. "Tumigil ka na kasi Hunter!" Natatawang sabi ni Tita Emma. "Gusto lang niya gumala ng gumala pero takot sumakay sa eroplano. Bakit hindi ka mag-entertainer. Sa boses mong parang palaka kapag kumanta, sa galaw mong sing tigas ng kamao ko, tiyak lahat ng manunuod matatawa." Humalakhak siya ulit. Hinampas na siya ni Tita Emma. "Aray!" reklamo ni Hunter. "Dagdagan mo pa, My. Masyadong bully si Kuya. Ganyan din siya kay Sha-sha!" si Ate Venice. "Huwag kang pumunta sa'min. Ban mukha mo do'n." Matalim ko siyang tinignan pero tinawanan lang ako. "I'm just kidding! You know how I love to pissed you off. Masyado kasing matigas ang ulo mo. Hindi bale, mahal ka naman ni Kuya. Ikaw ang bunso namin Amanda." He winked at me. In-offer pa sa akin iyong kape niya na nainuman niya na. "Pabayaan mo kasi ako. Tita, si Kuya palaging tinatakot 'yong mga crush ko! Sumbong ng sumbong kay Mommy! Lalo akong nawawalan ng gana mag-aral kasi ang higpit nila!" Nangingiti lang si Tita Emma pero nagsalita si Ate Venice. "Ganyan din si Kuya sa amin. Mas mahigpit lang sa'yo kasi matigas talaga ang ulo mo." Humagikgik ito sa sinabi. "Ate!" Nanlaki ang mga mata ko. Naririndi na ang tainga ko sa kakasabi nila na matigas ang ulo ko. Wala namang nakikinig kasi sa akin. "Ang kailangan ko second chance," sabi ko at tinignan sila na akala mo kinukumbinsi ko silang magbabago akong talaga. "Correction, 15th chance," sabad ni Kuya Hunter. Sumama ang tingin ko kay Kuya Hunter. "O, bakit? Gusto mo isa-isahin ko?" mapanghamon niyang sabi. Mas lalo akong sumimangot. "O, tama na 'yan. Tama na. Amanda, dalhin mo itong dalawang box sa inyo. Itong carrot cake gusto ito ng Mommy mo kaya huwag mong kalimutan." Tumango ako at sinubo ang huling pitak ng cookies sa aking palad. "Tita..." mahina kong sambit at ngumiti ng matamis sa kanya. Nag-angat siya ng tingin at ngumiti. "Ang sarap ng cookies mo. Bukas double chip cookies naman? Bibigyan ko mga friends ko sa school." Humagikgik ako. "Asus, naglambing ang bunso ko! Syempre naman!" Natatawa niyang sabi. "Magpapabida ka na naman sa mga classmate mo. Gusto ka lang nila kasi galante ka, Amanda. Sumama ka sa mga matitino. Hindi sa mga manggagamit," komento ni Kuya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Blessed are the one who give. Hindi mo ba alam 'yon? Huwag ka na nga magsalita. Lahat ng sinasabi mo walang ka-sense sense! Abogado ka ba talaga?" Inismiran ko siya. "Amanda, ang cool ni Kuya kapag nasa court hearing! Panuorin mo kasi kahit isang beses lang!" sabi ni Ate Italy. Napangiwi ako. Baka tumawa lang ako ng tumawa kung ganoon. "Nah! I prefer to watch drama the whole day. Ay, ate! Bibili ako ng ticket sa concert ng BTS! Ipagpaalam mo ko kila Mommy sige na! Sumama ka na. 'Di ba gusto mo rin si Taehyung!" Hinawakan ko ang braso niya at inalog-alog pa iyon. "Susubukan ko, Amanda. May tinatapos kasi kaming thesis. Baka bumagsak naman ako kung uunahin ko manuod sa concert. May next time pa naman. P'wede rin lumipad tayo sa Korea para makanuod sa kanila." Natatawang sabi ni Ate Venice. Sumang-ayon din si Ate Italy dahil mag-classmate sila. Napanguso ako at bumagsak ang balikat. Binitiwan ko ang braso niya at malungkot na bumaling sa sariling milkshake. "Pero gusto ko talaga pumunta. Next week na 'yon..." Nagliwanag ulit ang mukha ko ng maalala si Sha-sha. "Hindi p'wede si Sha-sha dahil mag-re-review iyon for final exam," sagot ni Ate Italy. Muling bumagsak ang balikat ko. "Sasamahan ka ni Kuya. Huwag ka ng malungkot." Nag-angat ako ng tingin. Nawalan ako ng gana. "Ayoko. Hindi ako mag-e-enjoy. Marami ka palaging bawal." Humalukipkip ako. "Anong gusto mo? Makakasama ka pero maraming bawal o 'yong hindi ka makakasama at manunuod na lang sa youtube?" He raised his brow. Nakangisi pa siya at tila ba alam niya na kung ano ang magiging desisyon ko. Kapag sinabi ni Kuya kila Mommy na sasama si Kuya Hunter. Hindi sila magdadalawang-isip na payagan agad ako. Malaki ang tiwala nila kay Kuya Hunter kaysa sa akin. "Oo na nga!" Umirap ako at labas sa ilong ko ang pag-oo.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD