Chapter 44 “Naubos na agad ang pera ko! Ano ba yan’! Bakit kasi may pa ganito pa tayo?” inis na reklamo ni Apple habang tinitignan ang wallet nyang mukhang bente pesos nalang ang laman. “Taon-taon na natin itong ginagawa ngayon mo pa naisipang mag reklamo?” sagot ko sa kanya. Today is Dec. 24, at sa dami naming free time nitong nakaraang araw, ngayon lang kami sinipag mag hanap ng pang regalo namin mamayang Christmas Eve. Yearly kaming may exchange gift sa bahay, pero hindi tulad ng bunutan, mayroon kaming prepared na gift sa bawat miyembro ng pamilya. Well, aapat lang naman kami so okay lang and it’s once a year only. “E’ ano naman kung wala ka ng pera? Wala ka namang ginagastos sa bahay?” si anje naman. “Bakit ba? Gusto ko may pera e’!” napa iling nalang ako. Nakatambay kami