Chapter 41 Umalis lang kami sa hall ng narinig naming mag start na daw ang performance. Pag labas palang namin ng hall ay nakita na namin ang mga kasabayan naming papunta na rin sa gymnasium. Buti nalang at isa kami sa mga naunang nakarating. Madami ng tao ng dumating kami pero mas madami naman ang mga kasunod namin. This is the end of our school days for this year, bukas ay Christmas Break na kaya naman kitang kita ang saya at excitement sa mukha ng mga students. Dumiretso kami sa bleachers na wala masyadong tao, mas gusto siguro nilang sa gitna naka pwesto para harap na harap sa stage. Sa bleachers sa gilid kami naupo di kalayuan sa stage para mas malapit though kailangan naming tumayo para makita ang performers pero ayos pa din dahil mas mataas compared sa iba. Huling