May nakahandang dining hall para sa lahat ng mga um-attend sa nasabing conference sa kabilang silid nito. Kung kaya naman ay lahat ay dumiretso roon pagkatapos ng formal closing remarks ng mga organizers. As usual, magkakasamang naglakad patungo sa dining hall sina Mr. Del Mundo, Mr. El Cuangco at Ms. Vragus sapagkat sila ay nanggaling sa iisang bansa. ‘Yun nga lang ay kaagad itong nahiwalay nang mayroong isang old acquaintance nito ang bahagyang humila sa kanya upang makapagkwentuhan. “Oh, Mr. Del Mundo! I’ve been looking at you across the room earlier but seems like you didn’t recognize me as much as I did,” ani ng isang lalaking medyo matanda na nakasuot ng pormal na business coat with matching red stripe necktie. May hawak rin itong baston upang alalayan siguro ang humihina na niton

