Kasalukuyang nasa veranda sina Mrs. Vragus at si Dreanara na humihigop ng kanilang imported red wine upang magkaroon ng kunting quality time matapos ang pagiging busy nila pareho. Sabado ngayon at bukas ng madaling araw ang scheduled flight ng dalaga kasama ang ministro at ang chairman ng El Cuangco Corporation patungong Washington D.C., USA para sa dadaluhang summit ng mga world leaders at entrepreneurs. “So, tell me Hariet. Are you sure you’re ready to be with your ex husband in this kind of trip without blowing up your cover and divulging your real identity?” diretsiyahang tanong ni Mrs. Vragus sa dalaga gamit ang formal name address nito na ‘Hariet’ at hindi ang impostor na pangalang ‘Dreanara.’ Nais ng ginang na talagang i-confront at tanungin ang tunay na nararamdaman ng

