Kabanata 2

1274 Words
Ting! Ting! Ting! Tunog ng kampana ng malaking simabahan ng Vestria nang tumuntong sa alas otso ang maliit na kamay ng orasan. Isang oras na lamang ay magsisimula na ang pinakahihintay ng lahat ng mga natipong mga guests, reporters, at journalists. Minsan lamang sa maraming pagkakataong magkaroon ng ganitong magarbo at malaking kasalan sa siyudad sapagkat mas pinipili ng mga karamihang mga mayayamang negosyante na gawing pribado ang kanilang mga kasal, o di kaya’y i-held ito sa abroad. Ngunit batid ng matandang Mr. El Cuangco na mas mainam na gawin ang pagdiriwang na ito sa mata ng publiko at maraming tao upang wala ng maging kawala ang kaniyang apo. Mas maraming tao, mas malaking pressure para kay Maxen na tuparin ang nais ng kanyang lolo. “Alright, you win this time, grandpa,” mahinahong pag-aamin ni Maxen sa matandang Mr. El Cuangco nang mag-toss sila ng baso na may laman na red wine sa may veranda ng kanilang estate mansion. Relax na relax lang ito at kalmado na tila ba hindi nag-aatubili sa bagong responsibilidad na papasukan niya once na mangako na siya sa harap ng altar mamaya. Tumawa lang ang chairman. “You doesn’t look defeated for a man na ikakasal na ng labag sa kanyang kalooban,” anito na nagpabuntong-hininga sa binata. Linapag ni Maxen ang baso sa may maliit na lamesa at tsaka tumingin sa kawalan. Hindi inaasahan ng matandang Mr. El Cuangco ang sumunod niyang ginawa. Ngumisi siya imbes manlumo. Ngisi na tila ba excited sa kung ano ang susunod na mangyayari. “What’s wrong with getting married? After all, having to act as a husband to someone was also a nice adventure, right?” paliwanag nito at tsaka iniwan ang matanda nang may tumawag sa kanyang makeup artist para i-retouch siya. Sa kabilang banda naman ay natataranta sina Mr. at Mrs. Fernillo nang malamang tumakas ang kanilang anak an si Levisha. Tutol ito sa pagpapakasal sa isang matandang mama kahit anong yaman pa nito. ‘Mom, dad… I don’t know what’s going on but I will never be marrying an old granny even older than my dad. Never! Hindi ko kayo mapapatawad na nagawa niyo akong ipagkanulo! Bakit hindi na lang si Hariet?! Tutal naman isa pa rin siyang Fernillo kahit na anak siya sa labas. I won’t be forgiving you unless you let that little goody-shoe sister of mine marry that old man!’ ani ng liham na iniwan nito sa ibabaw ng kanyang kama. “Oh my gosh, Dante! Our lovely Levisha is mad at us and she is gone. Sabi ko kasi kausapin muna natin siya bago ang lahat...” natatarantang paninisi ng ginang sa sarili. “Pero hindi naman kasi siya mas maagang umuwi. We never had a chance to decline the offer kasi bandang hatinggabi na siya umuwi,” sumbat naman ng asawa. “So, you are blaming our daughter over this?!” pagalit na sigaw ni Mrs. Fernillo. Dito naman bahagyang na-guilty ang asawa at tumahimik na lamang. Dante knew it was his fault to begin with kung bakit kinailangan pa nilang pumatol sa ganitong offer para maisalba ang kanilang family company. “Excuse me. Has the bride already arrived? I mean, kailangan na natin siyang ayusan para tumungo na tayo sa simbahan,” ani ng naka-assign na makeup artist na naatasang mag-prepare ng bride-to-be sana. Halata sa boses nito ang bahagyang pagkairita. Sino ba namang hindi maiinip kung isang oras na bago ang kasal tapos wala pang hinaharap sa’yong aayusan? Napataas naman ng kilay si Mrs. Fernillo sa asal nito ngunit pinakalma siya ng asawa. “Give us more minutes. Just wait in the sala muna,” pakiwari ni Dante. Aalis na sana ang makeup artist nang saktong may natanaw siyang isang dalagang nagdidilig ng halaman sa labas mula sa bukas na malaking bintana sa may gilid. “I-Is that her?” panghuhula nito sa bride-to-be. Mabilis na tumutol si Dante, ngunit iba ang naging sagot ng misis. “Y-Yes, she is the bride-to-be. I’ll tell her to meet you d-downstairs,” ani ni Mrs. Fernillo. Bigla kasing umugong sa isipan niya ang sinabi ng anak sa liham na iniwan niya. ‘… I won’t be forgiving you unless you let that little b***h sister of mine marry that old man!’ “What are you talking about, Myrna?” gulung-gulong tanong ni Dante sa asawa nang makaalis na ang makeup artist. Halata sa boses nito ang concern para sa anak na mas lalo pang nagpasidhi ng kagustuhan ng misis na ipalit ito sa posisyon ng anak bilang bride-to-be ng isang mayaman ngunit matanda ng lalaki. She will not only be doing the family a favor na tuparin ang marriage agreement with Mr. El Cuangco, pero matutupad niya rin ang hiling ng anak at tsaka sarili niyang kagustuhang pahirapan ang bunga ng kataksilan ng asawa sa ibang babae. It is like hitting two birds with one stone, ika nga nila. Besides, they have no choice. Hindi nila maaring i-let go ang opurtunidad na ito upang isalba ang kanilang papalubog ng kumpanya. Someone needs to continue the wedding, even if it’s not a legitimate child. How could they know? Dante’s unfaithful affair was never been out to the public para hindi masira ang reputasiyon nito. Walang nakakaalam na anak sa labas si Hariet, liban na lamang sa kanilang magkakapamilya at ilang mga tagapaglingkod. “Hariet will be a substitute bride. Kung pumayag kang ipakasal si Levisha ng walang pag-aalinlangan, I hope wala ka ring reklamo kung si Hariet na lamang ang ipalit natin,” taas kilay na asik ni Mrs. Fernillo sa asawa. Maang na napalaki na lamang ang mga mata ni Dante na tila ba wala siyang magawa. He has been nothing but a trouble to his family most of the time. If only he had been a better CEO, a better husband, a better father, hindi na sana sila aabot ng ganitong punto. His wife Myrna would not put all the blame and hatred on Hariet alone at pahirapan siya ng ganito. She just barely turned twenty-one this year. Naglakad na ang ginang at patakbong tumungo sa may hardin kung saan naroroon ang dalaga. Pagkarating niya roon ay sinalubong siya ng mainit na yakap mula rito. Labag man sa kanyang kalooban ay nagkunwaring nagustuhan niya ito upang maayos na mapapayag ang dalaga sa plano niya ng walang pagtututol. Wala silang time para mag-drama o anuman. Time is of the essence sapagkat isang oras na lamang ay magsisimula na ang kasal. “You see, Hariet… Levisha was supposed to be marrying today pero ayaw niya. Kaya para hindi mapahiya ang ating pamilya, you need to do it yourself,” pagpapaliwanag ng ina-inahan kay Hariet. “W-What? Ano po?” Tila ba hindi maproseso ng utak ni Hariet ang mga salitang binibitawan ng stepmother niya. Batid niyang masaya siya sapagkat tila ba bumait ito sa kanya ngayong araw. Nagawa pa nitong ibalik ang mga yakap niya. “Be your sister’s substitute bride,” pag-uulit ni Mrs. Fernillo sa dalaga. Literal namang napalaki ang mga mata ni Hariet. “Su… Substitute Bride...” wala sa loob ng pag-uulit. Ano? Papalitan niya ang kanyang ate bilang bride? Halos hindi siya makapaniwala sa sinabi ng ina-inahan. Sa tanang buhay niya ay hindi pa siya nagkaka-boyfriend… tapos ngayon diretso na siya sa pag-aasawa. “Yes. You have to save your sister Levisha from marrying the man that she doesn’t like in order to save the family’s company. Malaki ang utang ng kumpanya and we need that wedding para palakasin ang kapit natin sa kanila at makakuha ng support,” pangongonsensiya pa nito. Save your sister… Save the family’s company…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD