Kabanata 37

2250 Words
Hariet, now addressed as Dreanara, felt an immediate shock in her bones. ‘Goodness gracious! Bakit sa lahat pa ng maaring makisabay sa elevator ride… bakit kinakailangang siya pa?’ tanong nito sa loob-loob ng kanyang isipan. Ramdam niya ang literal na pag-tense up ng mga muscles niya sa katawan na tila ba na-star struck siya pansamantala dahil sa pagkagulat. Gulong-gulo pa ang buhok nito at halatang hindi pa talaga masiyadong nakapaghanda para sa gaganaping engagement party sa may rooftop. Hindi rin maikakaila ang presensiya ng amoy ng alak nang sumara muli ang pintuan ng elevator pagkatapos nilang makapasok. May kasama kasi itong binata rin na kasing-edad niya na halatang medyo natataranta at pilit na inaayusan siya. Dahil sa katarantahan nga ay tila ba hindi na nito na-notice sina Mrs. Vragus at Dreanara na nauna na ng nasa loob ng elevator. “Get yourself together, dude. I thought you’re okay with this,” ani ng binatang kasama ni Maxen. “Yeah, right! Jokes on me,” tanging sumbat nito sa kasama. Ito ay si Miguel Saavedra, isang distant cousin niya sa side ng kanyang ina. Kababalik lamang nito sa Pilipinas mula sa New York, kung saan ito nag-aaral ng photography. Sakto kasing bakasiyon na nila kaya may oras siyang dumalo sa engagement ng pinsan. Kinabig ni Maxen ang kamay ni Miguel na nagmamadaling ayusin ang medyo lukut-lukot ng tuxedo ng binata upang siya na mismo ang mag-ayos nito. Hindi naman umuwi ang kanyang pinsan para maging babysitter niya o ano man. “I can do this, bro.” Mabilisang inayos nito ang sarili at pilit na binalik ang kanyang composure kahit medyo nakainom na ito ng kunti. Hindi niya rin kasi alam kung buo ba talaga ang loob niya para maikasal muli matapos ang unang kasal niya. Oo nga’t engagement party pa lamang ito pero pareho na rin iyon. Ano pa ba nag susunod sa engagement kung hindi wedding din lang? “You chose her, so be a man of your words, Maxen,” paalala pa ni Miguel. Tinaasan lamang siya ng kilay ng binata. Yeah, right. Totoo ngang sinadya niyang pinili ang kapatid ng nauna niyang asawa bilang act of revenge sa pagtataksil nito kuno pero it’s not like he has a choice. Matapos kasing mawala ng unang babaeng pinakasalan niya ay hindi na lumipas ang isa pang araw na hindi nangungulit ang kanyang lolo na maghanap na ito ng panibagong mapapangasawa. Kahit sino ng matipuhan niya basta ang pinakamahalaga lang naman sa matandang El Cuangco ay ang makabuo ng apo sa tuhod ang kanyang nag-iisang apo. Hindi naman na kasi siya bumabata. Humihina na rin ang kanyang katawan at maaaring kahit anong araw o oras ay pwede na itong mamaalam sa mundo. At least, makita man lamang niyang magkapamilya at magseryoso na sa buhay si Maxen bago pa man ito mangyari. Wala siyang ibang inaasahang papalit sa kanyang pwesto bilang chairman ng El Cuangco Corporation kung hindi ang kaisa-isang apo niya lang din. Literal na napatigil sa paghinga si Miguel nang sa wakas ay mapagtanto niyang may mga kasamahan pala sila sa may elevator. Dalawang babae na nakaayos at halatang guests ng engagement party ng problematikong lalaking kasama niya ngayon. ‘Dang it!’ mura nito sa loob ng kanyang isipan matapos elbow-hin ang pinsan na makaramdam rin sa kanyang reyalisasyon. Sa kabila ng bahagyang pagiging tipsy ay na-gets pa rin ito ni Maxen. Worst timing of all… ngayong wala sa best behavior ang kaisa-isang apo ng El Cuangco, ngayon naman nagkatagpo ang landas nila… ng mag-inang Vragus. At hindi lingid sa kaalaman ng lahat na mortal na magka-rival ang El Cuangco Corporation at Vragus Empire lalung-lalo na sa larangan ng telecommunication industry. Of course, despite being a happy-go-lucky individual, Maxen knew who is who. And at the moment, he knew he was standing alongside the wife and daughter of the late Emiliano Vragus, the only legitimate son of the Vragus chairman. Huminga siya ng malalim at tsaka maayos na lumingon sa mga kasamahan sa elevator. “Good day, Mrs. Vragus and Miss Vragus! My apologies you have to witness some personal issues here. I am glad you make it out today,” pormal na wika ni Maxen sa dalawa habang nakasuot ng business smile niya. Kahit na aminado ang binata na narinig nila ang pinag-usapan nilang magpinsan ay umakto pa rin itong normal. Wala rin naman siyang magagawa para i-undo ang mga bagay na nakalipas na. He just has to move forward and go on. Sa kabilang banda ay literal na nanigas sa kinatatayuan si Dreanara dahil sa direktang pagtingin ng dating asawa sa kanya. Sinabi na niya ito sa sarili kanina na magpapakatatag siya sa harap ng mga ito, pero tila ba trinatrydor siya ng sarili niyang katawan sa mga oras na ito. Aminado siyang naging stiff siya at frozen in time sa kinatatayuan. Mabuti na lamang at kasama niya ang ginang para may magbalik ng pagbati. “No worries, dear. It’s not on my character to meddle with other’s private lives. Plus, this is your territory. You can clearly say and do whatever the hell you want,” sagot ni Mrs. Vragus. With Maxen’s observative eyes, hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang pagiging tense ng anak ng ginang. Hindi niya rin mawari pero may kung anong ningning sa mata ng dilag na sa pakiramdam niya ay napakapamilyar. It was like she it somewhere in person when in fact ngayon niya lamang makita ng personal ang sinasabing heiress ng Vragus Empire. Noon kasi sa mga magazine at newspapers niya lang ito nakikita. “That was a great thing to say,” komento na lamang ni Maxen at binilingan ang dalaga sa tabi nito. “I see, you are the famous model and entrepreneur, Dreanara Iris… are you okay?” ‘Dreanara Iris… Dreanara Iris…’ umugong sa isipan ni Hariet ang pangalan ng babaeng ngayon ay ginagaya niya. ‘Right! I am not Hariet anymore. I am Dreanara Iris, and I should act as Dreanara Iris,’ pagkukumbinsi niya sa sarili. Tumikhim siya bago diretsiyahang salubungin ang mga malalamlam na mata ni Maxen. “Yes, I am Dreanara, and I am okay,” maikling sagot niya. “Thank you for bothering asking.” Bago pa man din lumalim ang pag-uusap nila ay tumunog na ang elevator, hudyat na nakarating na sila sa destinasiyon nilang palapag – ang rooftop ng building. Bumukas ang pintuan at kaagad na sinalubong ni Mrs. Myrna Fernillo ang mamanugangin niya ulit na binata. “Thank goodness you are here now former and future son-in-law,” pabirong bungad ng nanay-nanayan ni Hariet noon. Napakalaki ng ngiting nakapaskil sa mukha nito. Hindi lubos maikumpara sa naging ngiti niya noong araw ng kasal ni Hariet. Ibang-iba talaga ito kung para sa anak niyang si Levisha. “And Mr. hmmmm….” baling nito sa kasamang binata ni Maxen. “Miguel. Miguel Saavedra is the name, Ma’am. Pinsan ko po ang mamanugangin niyo,” magalang na pagpapakilala nito sa sarili na malugod na tinanggap ng ginang sa pamamagitan ng pakikipagkamayan. At this time ay binalingan ni Mrs. Fernillo ang dalawang guests na nakasabayan nila Maxen sa may elevator. Ang celebrant of the night na mismo ang pormal na nagpakilala sa mga ito. “By the way, Mrs. Fernillo-” panimula ni Maxen na siyang pinutol ng ginang. “No, no, no. Huwag mo na akong tawaging Mrs. Fernillo when you can already call me ‘mom’,” ngiti-ngiting ani ng dating nanay-nanayan ni Hariet na ngayon ay abot langit pa rin ang ngiti. Ugh! This is making Hariet literally wants to p**e, pero kailangan niya pa ring i-maintain ang coolness ni Dreanara. She did not train hard to flop in front of the evil stepmom she once had. Nanatili pa rin sa kanyang isipan ang mga pinanggagawa nito sa kanya lalung-lalo na ang pagbibigay instructions nito na iwanan niya ang kanyang asawa nang madaling araw na iyon at umuwi sa kanilang bahay gamit nag itim na kotseng inihanda sa may parking lot. Ito ang parehong sasakyang bigla-bigla na lamang nawalan ng preno at hindi gumagana ang kambiyo na siyang naging dahilan para mahulog siya sa napakataas na bangin at muntikan ng mamatay. Natural lamang na pagduduhan niya ito afterall that happened. Dahil sa maraming mga mata nakatingin ay hindi halos magawang makatanggi ng binata sa bold na suhesiyon ng nanay ni Levisha, ang kanyang magiging fiancée. “Alright, mom,” napipilitan nitong sabi matapos tumikhim. “Here is Mrs. Leonara Vragus and her daughter Dreanara Iris Vragus. I’ll leave them to you as I will have to check on other guests,” ani ni Maxen bago umalis. It will not be a good reflection of his character if he acts hostile and disrespectful to their family’s business rival. Pilit naman nginitian ni Mrs. Fernillo ang dalawang Vragus. Well, the Fernillo Printing Press was long been under the El Cuangco’s Corporation, so naturally rival din ang paningin ni Myrna sa mga Vragus. And she cannot take the rivalship as noble and classy as Maxen can. Lumapit siya rito at sarkastikong binulong sa pinakamababa nitong tono, “Never thought a Vragus, let alone two Vragus, would actually accept the invitation and come here at my daughter’s party.” Sa timpla ng boses nito mahihinuhang may bahid ng pangmamataas ito. The last time, Hariet her stepmother talks with other people is not like this. Tila ba ang maging bayaw ang isa sa pinakamayamang angkan sa siyudad ay nakapagpalaki ng ulo ng ginang. “Regardless, it would not hurt if you are around. Mga mamahaling putahe at wines na in-order pa sa abroad ang ise-serve mamaya,” dagdag pa nito na nakangiting aso. Kung titignan sa malayuan ay tila ba pinupuri lang ni Mrs. Fernillo ang mga kausap dahil sa malaki nitong mga ngiti. Napakagaling talaga nitong magbalatkayo. Ang sino mang hindi masiyadong nakakakilala sa ginang ay tiyak na mahuhulog sa patibong nito. Hindi naman maiwasang mapatingin ng may pagkadisgusto ang heredera ng Vragus. Hariet was so into the character of Dreanara, and she honestly does not like how lowly her ex-stepmother looks on her classy, present mother. Hindi naman kasi ganoon kapalengkera ang ugali ni Leonara para patulan ang level ni Myrna. Nginitian lamang siya ni Mrs. Vragus at akmang aalis na para iwan ito ng hinawakan siya ni Mrs. Fernillo para pigilan. Hindi kasi siya satisfied na parang maii-snob lamang siya. Dito na umentrada si Dreanara. “Excuse me, Mrs. Fernillo. Why are you holding my mom’s arm?” malamig na tanong nito suot ang seryosong pagmumukha ng isang tunay na Vragus. May iilang mga mat ana ang napatingin sa direction nilang tatlo. Myrna being herself, a very socially conscious individual, ay mabilis na ngumiti ulit ng pagkalaki-laki upang itago ang namumuong tensiyon. Dahan-dahan niya ring inalis ang pagkakahawak kay Mrs. Vragus at pakunwaring inaayos ang manggas ng damit nito. “Nothing’s wrong here people. Tinutulungan ko lamang siyang ayusin ang nalukot niyang damit,” palusot nito sabay tingin sa iilang mga nakikiusyuso. “That was too nice of you, Mrs. Fernillo. I am hoping you should also fix your own dress sleeves. It’s a little bit twisted on the side,” pabalik nito sabay turo sa isang manggas ng night dress ng ginang na medyo tumagilid. “Come on now, Dreanara. Let’s find ourselves a table.” Sumunod naman si Dreanara matapos tapunan ng matalim na tingin ang dati niyang stepmother. ‘Serve her right.’ Pumupuna siya kuno ng mali ng ibang tao gayong sarili niyang pagkakamali ay hindi niya makita. Naglakad na ang dalawang Vragus patungo sa isang bakanteng lamesa sa may hindi kalayuan. Halos lahat ng mga nakakasalubong nila sa daan ay binibigyan sila ng mababang pagyuko bilang respeto. Iba rin kasi talaga kapag Vragus ang dugtong ng iyong pangalan. Isa ito sa dalawang pinakamalalaking pangalan sa Vestria at Brotton, kahanay ng mga El Cuangco. Kung papaano tangkilikin at respetuhin ng mga tao ang mga El Cuangco ay ganoon rin ang turing nila para sa mga Vragus. “Oh! Good evening, Madame Vragus!” “It’s a big pleasure to be graced with your presence…” “It’s so nice to see you around!” May ilang nag-offer pa ngang ibigay ang kanilang table para sa kanila ngunit tinanggihan lamang ito ng ginang. Well, as much as she loves being thrown attention and signs of affection by people, hindi naman niya gustong ipa-feel na kailangan nilang magpabigay para sa kanila when there are other extra empty chairs around. Nagpatuloy lamang sila sa paglalakad hanggang sa marating ang lamesang walang katao-tao pa. It’s been quite early pa kasi kaya hindi pa nagiging punuan at crowded ang area. Nang makaupo na sila ay tinanong siya ng ginang. “You feel it now?” “Feel what exactly, mom?” pagbabalik tanong ng dalaga sa ina. “The immense respect of people to the face you are wearing,” pag-uulit nito na mas malinaw na. Napatango lamang si Hariet bilang tugon. ‘Yeah, right. I never had experience being given so much acknowledgement and attention by people when I am simply myself…pero when I am Dreanara, people almost bow down at my feet. Iba nga naman talaga ang nagagawa ng pera. Iba talaga kapag galing ka sa isang prehtiyosong angkan.’ “Remember that feeling and always… always protect it. Starting now, you are my Dreanara Iris Vragus no matter what happened. And together we will own the world,” dagdag pa nito gamit ang seryoso nitong tono. Strong, full of determination and sincere.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD