Parehong kabado at litung-lito si Hariet nang nasa loob ng mamahaling limousine na sila kasama ang binatang ngayong araw lamang ay kanyang naging asawa mula sa bisa ng sakramento ng kasal na ginanap, papunta sa karatig city- ang Brontonn.
Sapagkat isang shotgun wedding ang nangyari ay hindi nakapag-booking ng abroad getaway kaagad ang lolo ni Maxen, kung kaya naman ay minabuti na lamang nilang ipagdaraos ng bagong kasal ang kanilang unang gabi bilang mag-asawa sa karatig na siyudad na kasing-unlad at kasingganda rin ng kanilang siyudad na Vestria.
Ang naturang siyudad rin ang kilala sa mga naglalakihang mga five stars’ hotel na worldwide accredited sa magarbo at maganda nitong serbisyo. Mahirap nang patagalin pa ang lahat baka biglang magbago ang isip ng apo at takasan na naman ang kaniyang responsibilidad.
With the kind of Maxen’s attitude of being a happy-go-lucky and oftentimes reckless, Old Mr. El Cuangco wouldn’t be surprise na bigla na lamang magbago ang isip ng apo at magpasiyang iwan na lamang sa ere ang responsibilidad niya bilang asawa. So, in that case, mas maganda nang may mabuo na silang dalawa sa lalong madali panahon, maybe it will perhaps guarantee Maxen’s loyalty and commitment to the vow he just took today.
Ramdam ni Hariet ang malakas na pagkabog ng kanyang puso habang tahimik na nakaupo sa tabi ng binata sa may likod ng sasakyan.
‘OMG! Ito na ba iyon? Ito na ba ng part kung saan magkakasama kami sa i..iisang k…warto at… at,’ halos ayaw ng ituloy ng dalagang tapusin ang naratibo sa kanyang utak. Hindi niya akalain na kakailanganin na niyang isuko ang kanyang p********e sa lalaking ngayong araw niya lamang nakita. At ano pa… hindi man lamang niya mararanasang magkaroon ng kasintahan muna bago niya ma-experience ang ganoong napaka-intimate na bagay.
‘Hay naku! Kasal na nga kayong dalawa eh. Hindi na kailangang maging magkasintahan muna kayo kagaya ng normal na mga couple,’ tahimik naming pambabara ng kaniyang rational napag-iisip sa kanyang ikinababahala.
Huminga na lamang ng malalim si Hariet at tsaka pilit na pinapakalma ang kanyang puso.
“Ahem…” bigla naming pag-imik ng binata sa tabi niya. Maxen could feel the immense awkwardness in the atmosphere, he couldn’t just leave it as it is. Sa klaseng ng lifestyle na meron siya - mag-travel sa iba’t ibang lugar at mag-party halos buong magdamag, hindi siya sanay sa ganitong katahimikan.
Nais man ng dalagang iwasan siya ay hindi niya magawa sapagkat tila ba nag-a-attempt itong kunin ang kanyang atensiyon. Lumingon siya sa kinaroroon ng binata at literal na nanlaki ang mag mata kasabay ang awtomatikong pag-init ng kanyang pisngi.
Napakalapit pala kasi nito sa kanya na halos tatlong pulgada lamang ang layo ng kanilang mukha mula sa isa’t isa.
‘Jeez! I didn’t know that he was this close. Sana pala hindi ako bigla-biglang lumilingon ng walang precaution,’ tahimik na ani ng dalaga sa kanyang isipan.
Sa napakaliit na distansyang sa pagitan nila ay halos maamoy na ng dalaga ang napakabangong hininga ng binata na pianghalong mint at strawberry… amoy na lubhang nakakaadik singhut-singhutin.
Hindi rin magawang umiwas ang kanyang mga mata sa napakagwapo nitong pagmumukha na ang sarap-sarap titigan ng magdamag. Matangos ang ilong, makakapal na kilay, malalamlam na mga mata, maigting mga panga, na mas nagpapalakas ng appeal nito bilang isang lalaki… it’s just so masculine and well-defined.
And more importantly his thin, beautiful lips na kasalukuyang nakaawang bahagya, revealing his white even teeth. Gosh! The sight of his face alone is enough to melt an ice cold ice cream, what more ang walang ka-expi-experience na puso ni Hariet na sa tanang buhay niya ay halos nakakulong lamang sa mansiyon ng mga Fernillo sapagkat hindi rin siya sinasama sag a family trips at tour na pinupuntahan ng magulang at kapatid. Both Levisha nad her mom doesn’t want her to come, at wala rin naming boses ang kanyang amang magprotesta patungkol dito.
“Why are you looking like a ripe tomato, wife?” pang-aasar naman ni Maxen sa visible na reaction ng dalaga. Hindi niya tuloy maiwasang mapangisi sa charm at epekto na dulot niya rito kahit wala naman talaga siyang ginagawa.
‘Man! How can she be cuter habang nagbu-blush?’ hindi maiwasang tanong niya sa sarili. He can’t help it but to be amazed on the sight before him.
The woman she just married this day is more of a Vestrian version of the goddess of beauty in Greek – Venus. Bukod sa naturally wavy nitong kulay blonde na buhok na aabot hanggang bewang ay lubhang nakakahalina rin ang kanyang pagmumukha.
She has a fair skin complexion, thin high-bridge nose that fits her oval pointed face shape, naturally pinkish cheeks, deep blue eyes, and a plump pinkish lips. Not to mention, she has an overall petite and curvy figure. Katamtamang laki ng, maliit na bewang, at malapad na balakang.
Hindi tuloy maiwasang mapagtanto ni Maxen kung gaano siya kaswerte sa babaeng in-aarange marriage ng kanyang lolo sa kanya. Sa buong pag-aakala niya ay hindi siya makakatagpo ng babaeng papasok sa kaniyang pihikan at high standard na taste sa babae, ngunit tila yata unti-unting pinapatunayan ng dalagang katabi niya ngayon na nagkakamali siya.