At hindi nga nagkamali ang instinct ni Dreanara. Totoo ngang may isang napakahalagang balita ang pumutok ngayon-ngayon lang, pagkatapos ng pag-schedule ng peace talk ng dalawang nag-aaway na bansa. Ito ang tipo ng balita na lubhang napakaimportante para sa kanilang mga malalaking kumpanya. Ito ay ang biglaang anunsiyo na pagsasara ng isa rin malaking kumpanya na kung susumahin ay halos kalahati ng laki ng mga malalaking kompanya kagaya ng Vragus Empire at El Cuangco Corporation. “Miss Chairman! We just received a very confidential message from one of our spy in the Velaquez’s Company,” ani ng isa sa mga empleyado ng kabahagi ng Vragus Empire’s Control Personnel. Dito halos nakapokus ang offense at defense ng kumpanya pagdating sa mga wireless at over the internet activities. Kagaya ng n

