Nagsimula ng maglakad papalapit sa may altar ang binata at dalaga, kung saan naghihintay ang pari na magagawad sa kanila ng Sacramento ng Pagpapakasal.
Panay lamang ang ngisi ng binata ngunit nanatiling normal lamang ang ekspresyon ng dalaga. Habang papalapit ng papalapit kasi sila sa paanan ng pari ay mas lumalakas ang t***k ng kanyang puso bunga ng pagkabigla at unti-unting pag-sink-in sa utak na siya ay ilang minuto lamang na malapit ng maging isang ginang mula pagiging isang binibini.
‘Ugh! Who wouldn’t be nervous for suddenly becoming a wife without even experiencing being a girlfriend?’ ito nag kaisipang tumatakbo sa utak niya.
‘Paano na lamang kung pumalpak ako? Paano na lamang kung hindi ako magustuhan ng aking mapapangasawa? ‘Magagalit kaya sina mom at dad? pakiwari pa niya.
Tiluro siya sa pag-iisip ng napakaraming mga possibilidad after ng kasal nang hindi niya namalayang nakarating na pala sa harapan. Napabalik manag siya sa realidad nang magsalita ang pari upang opisyal na simulant ang seremonya.
“A blessed day for each and everyone!” paunang bati nito sa madla at sa mga nanonood sa live stream ng kasal sa telebisyon. Muntik na ngang makaligtaan ni Hariet ang patuloy na ngumiti sapagkat may mga nakatutok na camera sa bawat galaw niya.
“Another budding couple are about to end their singleness and enter the world of grown-up adults with loyalty and commitment in building a place we call home together…
“Brothers and sisters in Chirst we are gathered here today to witness the grand sacrificial wedding of Maxen Rocco El Cuangco and Hariet Fernillo as they took their vows of love and eternal promise of commitment in this very special day,” ani pa nito.
‘M…Maxen Rocco El Cuangco?’ pag-uulit naman ni Hariet sa pangalan ng binata. Nakakatawa mang isipin ay ngayon pa lamang niya nalaman ang mismong pangalan ng lalaking kasalukuyang kasama niyang nakatayo sa harapan ng maraming madla.
Just how abrupt and shocking all the things that is happening today? Kung kaninang umaga lang siya ay biglang kinausap na magpakasal sa lalaking hindi niya kilala, then, pagkuwa’y binigyan siya ng ideyang isang matandang mama ang pakakasalan niya… ngunit ngayon naman sa isang kaedad niya siya maipagkakanulo.
Just a fair enough, maybe.
Sa kabilang banda rin ay hindi maiwasang ulitin ng binata ang pangalan ng babae na ngayon ay magiging opisyal na misis niya after seremonya.
‘Hariet Fernillo…such a beautiful name befitting a beautiful woman,’ hindi nito maiwasang tahimik na masambit sa kanyang isipan.
Well, Maxen had never tried to know more about his soon-to-be-wife kahapon noong sabihan siya ng lolo na magpapakasal siya sa isa sa anak ng mga CEO ng mga partner companies ng kanilang kumpanya. Kumbaga ay mas pinili pa nitong isurpresa na lamang ang sarili patungkol sa itsura at pangalan ng mapapangasawa.
At hindi nga siya nabigo.
Hariet’s supreme features are that of the supermodel’s she met in New York. Napakaganda, sexy at kurbado ang katawan ngunit higit sa lahat… inosente.
Her looks and expression looks too innocent and God knows how much Maxen loved taking away someone’s innocence. And he promised he will, with his wife-to-be this time.
‘It would surely be full of fun,’ excited pa nitong wika sa kanyang isipan habang patuloy na nagsasalita ang pari.
Hindi naman naglaon ay narating ng seremonya ang pinakaimportanteng part sa lahat- ang exchanging of vows ng bride at groom.
“Do you, Maxen Rocco El Cuangco, promise to take Hariet Fernillo to be your lawfully wedded wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part?” tanong ng pari sa groom.
Ngumisi naman ang binatas bago sumagot.
“I certainly do, father.” Higit sa panibagong responsibilidad niya bilang isang asawa, ay mas excited siyang makilala ang babaeng ngayon pa lamang niya nasilayan ngunit batid niya attracted na siya rito. May kung anong pumipitik sa kanyang puso sa tuwing aksidenteng nagkakatagpo ang kanilang mga mata.
Ngayon naman ay bumalinga ng pari sa bride.
“Do you, Hariet Fernillo, promise to take Maxen Rocco El Cuangco to be your lawfully wedded wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part?”
Mas lumakas ang t***k ng puso ng dalaga. ‘Gosh! Eto na talaga iyon. Pormal ko na siyang tatanggapin sa aking buhay,’ tahimik na bulong niya sa sarili sabay hingang malalim upang humugot ng lakas.
“I… I do,” sagot niya.
“With the power vested in me by the Lord our God through the order of Rome, I now pronounce you husband and wife!” masiglang deklarasyon ng pari na nagpataas ng enerhiya ng madla na pumalakpak ng malakas.
Pagkuwa’y dumating ang parteng mas nagpapalakas ng kubog ni Hariet.
“To seal your eternal vow of love and commitment in front of God and men, you may now kiss the bride,” anunsyo ng pari.
Nagtilian naman ang madla kasabay ng ilang chants na mas lalong pang nagpamula ng pisngi ng dalaga.
“Kissssssssssss… Kissssss,” masayang panunukso ng mga taong dumalo.
Hindi maiwasang bahagyang mataranta ni Hariet. Paano ba naman kasi bilang isang NBSB wala pa siyang kaexpi-experience sa ganitong bagay. Wala pa siyang first kiss. Wala pang nakakahalik sa kanya. At hindi niya lubos maisip ko paano ba ito gawin. Nag-aalala siya what if magkamali siya ng gagawin.
Tila naman napansin ito ng groom kung kaya naman siya na ang nag-adjust. Linapit niya ang kanyang mukha sa ngayon ay namumulang dalaga.
“Calm down. I’ll take care of it for you, wife,” bulong nito sa kanyang tenga.
W-What?
‘W-wife?’ pag-uulit ni Hariet ng katawagang ginamit sa kanya ng binata. Oo nga naman at mag-asawa na silang dalawa sthe moment na binitawan niya ngsalitang ‘I do’ kanina. Hindi nga lang niya lubos maisip lahat-lahat. She is still in the process of accepting it as it is.
Mas lalo pang lumakas ang panunukso ng mga bisita nang medyo natatagalan silang dalawa.
Hinapit siya ni Maxen sa bewang upang ilapit ang mga katawan nila sa isa’t isa. Gosh! Ramdam na ramdam nilang pareho ang init ng bawat isa.
At bago pa man din magkapag-react si Hariet ay hinalikan siya nito sa pisngi!
Tila ba nagkaroon ng sariling kaisipan ang kanyang puso at biglaan itong tumibok ng napakalakas at napakabilis. If she didn’t know bother, she would worry na baka lumabas ang kanyang puso sa kanyang dibdib sa sobrang abnormal na pagtibok nito.
Mas lalong ring uminit ang kanyang mga pisngi at nagkulay itong hinog kamatis.
Nagpalakpakan ang mga tao kasabay ang ilang tilian sa iilang mga bisita na kinilig sa senaryong nasaksihan.
Hindi naman nagtagal ay natapos ang misa at nagtungo na lahat sa reception area upang kumain. Pinilit na lamang ni Hariet na ngumiti sa lahat at as much as possible ay umiwas sa kanyanga asawa sapapgkat hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakaka-recover sa dinulot nitong delubyo sa kanyang dibdib.
Ngunit alam rin niyang she won’t be able to ignore him all the time lalung-lalo na mamayang gabi kapag… kapag…
Halos hindi niya masabi ang karugtong ng kasalan sa kaba at hiya…
“Can’t wait to have you all by myself tonight,” biglaang bulong ni Maxen sa kanya habang sila’y kumakain kasama ang kanilang mga magulang at bisita sa magarbong pahabang table. Mahihinuha sa tono nito ang bahagyang pagkairita at pagtatampo. Napansin kasi nito na tila ba ini-ignore siya ng dilag.
At ganoon na nga… mas lumakas pa ang kabog ng puso niya. Nagkataon na kalian lang ay sumagi sa kanyang isip ang patungkol sa susunod na ganap pagkatapos ng malaking salu-salo, pero parabagang napakasadistiko ng tadhanang itugma ang linyahan ni Maxen sa kanyang iniisip… ang kanilang honeymoon.