"Manloloko kayo! Boyfriend ko iyan, Ma! Sa dami ng tao na pwedeng gumawa sa akin nito... bakit ikaw pa? Bakit kayo pa?"
Chapter 0ne
"Hindi pa rin sumasagot sa tawag?" tanong ni Prim. Sumilip pa ito sa table ko. Nag-aalisan na ang mga katrabaho namin. Si Prim ay tapos na ring magligpit ng gamit. Ako na lang ang hinihintay niya. Tinatawagan ko ang boyfriend ko pero hindi ito sumasagot.
"Naka-20 missed calls na. Wala pa rin. Ang sabi kasi niya'y susunduin niya ako. Pero wala pa ring balita."
"Umuwi na tayo, Lia. Baka rito ka pa abutan ng bagyo. Malakas pa naman daw. I-text mo na lang na uuwi ka na," bagsak ang balikat na ginawa ko iyon. Ano pa nga ba? Hindi ako pwedeng abutan ng bagyo rito. Pagkatapos kong i-text ito ay tumayo na rin ako at inayos ang mga gamit ko. Sabay na kaming lumabas ng office ni Prim. Parehong pagod sa maghapong trabaho. Buti na lang at Friday na.
"Kung gusto mo punta ka sa bahay. Inom tayo?" ani ng babae na malawak ang pagkakangisi.
"Sira. For sure kikitain ko si Harvey. Bye na!" kumaway pa ako. Pareho kasi kaming nakapara agad ng taxi. Magkaibang direction kaya roon na natapos ang usapan. Pero habang nasa taxi ay sige pa rin ang pag-contact ko sa nobyo. 4 years anniversary namin. Magda-date dapat kami. Pero mukhang busy ito. Pati tawag ko'y hindi nito masagot. 30 minutes lang naman ang itinagal ng biyahe. Paghinto ng taxi sa tapat ng bahay ay napansin ko na nakaparada ang sasakyan ng nobyo ko sa garahe. Lihim akong napangiti.
"Naku! May pa-surprise ata si Harvey sa akin," nangingiting ani ko habang hinihintay ang sukli sa pamasahe.
"Mukhang birthday n'yo, ma'am?" ani ng driver.
"Hindi po... anniversary po namin ng boyfriend ko." Proud na sagot ko sa driver.
"Happy anniversary sa inyo, ma'am."
"Thank you po," ngiting-ngiti na ani ko. Pagkatanggap ng sukli ay bumaba na rin agad. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Kumakabog pa ang puso sa excitement.
Pero sa bawat hakbang na ginagawa ko, iyong excitement ko ay napalitan ng kaba. Sa bungad pa lang kasi ng pinto ay napansin ko na ang nakakalat na sapatos... pants... brief? Ang mas nakakapagtaka ay bukod sa gamit ni Harvey, nakakalat din ang damit ng mama ko. Iba ang naging kutob ko. Bumilis ang t***k ng puso ko. What the heck?
"Ughhhh, sige pa!" daig ko pa ang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa ingay na narinig ko. Dahan-dahan akong lumakad patungo sa pinagmulan ng ingay. May kutob na ako, pero nasa stage agad ako ng denial. Itinanggi agad ng isip ko ang mga possibility. "More! So good!" halinghing ng isang babae... halinghing ni mama. Biglang namawis ang palad ko. Nanlamig. Ang pinto ng kwarto ko ay bahagyang nakaawang. Lumapit ako roon at bahagyang sumilip. Iyong itinatanggi ng utak ko... nandoon na ang pruweba.
Si mama at ang boyfriend kong si Harvey... nasa kama... walang saplot... may ginagawang milagro.
"Isagad mo! s**t, ang sarap! Sobrang sarap!" halinghing ng aking ina. Nakakadiri. Mga baboy.
"W-hat the hell?" mahinang bulalas ko. Unti-unting namuo ang luha sa gilid ng mata. Hanggang sa nagbagsakan na iyon.
Ang dalawang tao na gumagawa ng milagro ngayon ay napahinto at dahan-dahan na lumingon. Ang pulang-pulang mukha ng aking ina dahil sa ginagawa nila ay agad nawalan ng kulay. Namutla ito. Si Harvey na halatang nagulat ay agad na nag-iwas ng tingin sa akin.
"L-ia, magpapaliwag ako---" tarantang itinulak ni mama ang nobyo ko na nakapatong sa kanya. Hinila ang kumot at binalot sa sarili saka sinubukan bumaba ng kama para lapitan ako.
"M-a," hirap na ani ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin. Shocked. Hindi ako makapag-isip.
"A-nak, w-ala lang ito... ano... may inaayos lang kami ni Harvey---"
"Putangina!" malutong na mura ko. "Ano ang inaayos ninyo ni Harvey? Nasa k**i mo iyong inaayos ninyo?" hindi ko na napigilang hiyaw.
"Anak, hindi! Nagkakamali ka," si Harvey ay nagsimula ng nagbihis. Si mama naman itong pilit sinusubukan hawakan ako pero paulit-ulit kong tinabig. "Nagkakamali ka, Lia. Makinig ka muna sa paliwanag ko. W-ala lang iyon, 'nak."
"Ma, I saw it! Gagawin mo pa akong tanga?" luhang ani ko sa ina. "Kaya pala hindi sumasagot sa tawag ko si Harvey... busy siya sa nanay ko?"
"Don't say that, Lia. Hindi namin sinasadya... wala lang iyon, Lia."
"Wala? Wala?" hiyaw ko. Tinignan ko si Harvey. Wala ba itong balak na magsalita?
Hinawi ko si mama. Lumapit ako sa lalaki.
"H-arvey," hirap na bulalas ko. "That's my mother! Putangina, Harvey! Sa dami ng babae d'yan... putangina naman! Bakit nanay ko pa?" halos manlabo ang mata ko dahil sa luha na wala pa ring tigil sa pagbagsak. "Anong kalokohan ito?" sinuntok-suntok ko ang dibdib niya. Sinampal siya. Kinalmot. Hindi lumaban ang lalaki. Pero si mama... pinigilan niya ako.
To my shocked... niyakap niya si Harvey.
"Mama!" hiyaw ko sa ina.
"Pressy, mas mabuting sabihin na natin sa anak mo," cold na ani ng nobyo ko.
"Hindi, Harvey! No. Masasaktan natin si Lia---"
"Sa tingin n'yo ba'y hindi pa ako nasaktan sa nakita kong ginagawa ninyo? Tangina!" nauupos na napaatras ako at napaupo sa gilid ng kama ko.
"Pressy, tell her!" utos ni Harvey kay mama.
"Please, no! Hindi kakayanin ng anak ko, Harvey!" iyak na rin ni mama habang umaatungal ako ng iyak.
Fuck! Iyong akala kong perfect na relasyon ay hindi naman pala talaga perfect. Ano iyon? Nananaginip ba ako?
Lumapit si Harvey sa akin.
Tinignan ko ito. Punong-puno ng disappointment.
"May relasyon kami ng mama mo," wala man lang hiya sa tinig nito. Parang proud pa ito na inaaming may relasyon sila ng nanay ko.
"Putangina, Harvey! Alam mo kung gaano kalala ang trust issues ko sa mga lalaki. Alam mo na sa 'yo lang ako nagtiwala ng ganito. Pinapasok kita sa buhay ko... sa buhay naming mag-ina kasi nangako ka na hindi ako sasaktan. Pero anong ginawa mo?" hiyaw ko rito. Tumayo ako't muli itong sinampal at kinalmot. Ibinuhos ko ang lahat ng galit ko.
"Stop, Lia!" hiyaw ni mommy sa akin. "Huwag mong saktan si Harvey. Huwag mong saktan ang lalaking mahal ko," mas lalo akong naiyak dahil sa narinig.
"Lalaking mahal mo? Bullshit naman, na! Boyfriend ko iyan! Mahal mo?" hinarap ko si mama.
"I'm s-orry, anak. Hindi naman namin sinasadya ni Harvey. A-ko na ang mahal ng boyfriend mo, hija. Hindi na ikaw."
"Obviously, hindi ka naman ikakama ng boyfriend ko kung mahal pa niya ako eh. Kasi napakalaking kagaguhan naman kung mahal niya ako tapos sarap na sarap siya sa 'yo. Bakit mo nagawa sa akin ito, ma? Nanay kita! Isa ka sa dapat na promoprotekta sa akin... sa feelings ko pero bakit?"
"Anak, I'm really sorry. Hindi ko talaga sinasadya. S-a tuwing wala ka'y nandyan si Harvey para samahan ako," dahilan nito. Pagak akong natawa.
"Dahil sinabi ko, ma! Sinabi ko kay Harvey na kapag wala siyang ginagawa ay i-check ka rito sa bahay. Ako pa nga ang nagbibigay ng pang-gas niya para lang makarating dito eh. Sinabi ko na bisitahin ka niya, hindi ang k**i mo!" bigla na lang akong sinampal ng aking ina. Nagulat ako. Siya pa ang may ganang pagbuhatan ako ng kamay? Bakit?! Nababastusan ba siya sa salita ko? Tapos iyong ginawa nila... hindi ba iyon kabastusan?
"Mama mo pa rin ako, Lia. Wala kang karapatang magsalita ng ganyan sa akin!" luhang ani nito.
"Gawain ba iyan ng isang ina, mama? Gawain ba ng isang ina na bumukaka sa harap ng boyfriend ng anak niya?" sigaw ko. Nalulunod ako sa galit. Ngayon ko lang nagawa sa mama ko ito. Ang laki-laki nang respeto ko rito. Pero ngayon? Parang hanging nawala ang respetong iyon dito.
"Huwag mo sabi akong pagsalitaan ng ganyan! Anak lang kita!"
"Anak mo lang ako? Ako... ako na bumubuhay sa 'yo ngayon... anak mo lang kaya bumukaka ka sa harap ng boyfriend ko?" muli'y sampal ang inabot ko rito. Pero tumawa lang ako. Nilingon ko si Harvey. Saka ako lumakad palapit dito.
"Masarap ba ang nanay ko, Harvey? Ilang beses n'yo nang ginawa? Ilang beses? Sa tuwing pinapupunta ba kita? Matagal na ba?" wala akong sagot na nakuha rito. Hindi ko man mapagbuhatan ng kamay ang nanay ko, kay Harvey ako bumawi. Sinampal ko ito. "Answer me!"
"Matagal na... ilang buwan na... no'ng birthday mo." Napasapo ako sa dibdib ko dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko rito.
"Mga hayop kayo! Nakakadiri kayo!" nanlumong bulalas ko.
"Anak, pwede naman naming itigil ito. Kalimutan mo na lang---"
"Walang kalilimutan?" umiling-iling pa ako. "Walang kalilimutan dahil hindi ko kayo mapapatawad. Napakababoy ninyo. Ikaw, Harvey! Ginawa mo ba ito dahil hindi kita pinagbibigyan? Ha!"
"Kasalanan mo rin naman, Lia. Kasalanan mo dahil hindi ka marunong makiramdam. May pangangailangan din naman ako, at nandyan ang nanay mo na willing ibigay iyon sa akin!" nasampal ko tuloy ulit ito pero this time ay itinulak na niya ako. Nawalan ako ng balanse at bumagsak sa gilid ng kama.
"Harvey, ano ba?!" ani ni mama na pumagitna sa amin. "Babe, stop it!" awat ng nanay ko rito. Babe? Tangina! May endearment pa ang mga manloloko.
"Nakakadiri kayo!" humagulhol ako nang iyak. Sinubukan na naman akong lapitan ni mama pero todo iwas ako. "Diring-diri ako sa inyo! Grabe! Sobrang baboy ninyo!"
"Anak, hindi namin sinasadya. Makinig ka naman sa akin," hinawakan nito ang kamay ko pero tinabig ko iyon.
"Huwag mo akong hawakan! Nakakadiri ka... kayong dalawa. Mga baboy. Baboy kayo!" tumayo ako't tumakbo na palabas. Buti na lang at nakuha ko pang damputin ang bag ko. Sinubukan akong habulin ni mama.
"Huwag ka nang sumunod, Pressy. Ituloy na lang natin ang ginagawa natin." Nang huminto ako para lingunin sila ay nakiha ko pa ang pagmamadali ng boyfriend ko sa paghila Kay mama pabalik ng kama. Hindi na naman ako nakagalaw. Nakakasuka. Itinuloy talaga nila ang naudlot na kababuyan nila.
Hirap na hirap akong magtiwala sa mga lalaki... si Harvey lang ang binigyan ko ng chance. Pero ito pa ang sukli niya sa tiwalang ibinigay ko? Tangina! Tangina nila!
Tuluyan na akong lumakad palabas ng bahay. Bagsak ang balikat. Luhaan. Bigo.
Buti na lang at nakapara agad ako ng taxi.
"Saan po tayo, ma'am?" tanong ng driver. Bakas sa tono ng tinig nito na concern ito. Buti pa ito.
"Sa malayo... gusto kong lumayo," umiiyak na sagot ko. Pinausad nito ang taxi. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung may pwede akong puntahan habang luhaan ako.
"Ma'am?" ani ng taxi driver. "Lumalaki na po ang pamasahe ninyo. Wala po ba kayong planong puntahan? Kaibigan? Katrabaho?"
"Bar... sa bar na lang po," gamit ang panyo na nakuha ko sa bag ko ay pinunasan ko ang mukha ko. Hindi na nagtanong pa ang driver. Dinala niya ako sa isang bar. Paghinto ay inabutan ko siya ng ilang libo kasama ang tip. Saka ako bumaba at dere-deretso na ng pasok sa club.