Chapter Twenty-five "Mackenzie, luto na!" narito lang ako sa bakod. Nakatanaw sa bahay nito. Tinatawag na siya para mananghalian. Nakapaghain na ako. Lumabas naman mula sa kusina si Mackenzie. May dala itong pitcher na mukhang fresh juice ang laman. Lumapit muna ito sa bakod at ipinasa sa akin ang dala niya. Bago siya sumampa na ikinapanlaki ng mata ko, hindi dahil sa pag-akyat nito ng bakod. Kung 'di dahil sa nasilip ko ng hindi sinasadya. Gago rin. Naka-boxer lang ito tapos brief. Basta. May malaking umbok akong nakita. "Baks, ingat naman. Iyong inosente kong mata'y nagkakasala," takang tinitigan ako ni Mackenzie. "T-inawag mo akong ano?" ani nito na para bang nabingi ito. "Baks, Mackenzie. Ayaw mo ba? Not nice ba?" "O-kay lang," tugon naman ng lalaki. "Halika na. Kain na tayo.

