REAGAN FAYE RODRIGUEZ “S-Sige?” Sige ang sagot ko pero nagaalangan ako. Pero hindi naman yata busy si demonyito. Hindi naman siguro kami magtatagal doon. “Umalis na tayo ngayon pero kukunin ko muna ang mga libro para malagyan n’ya ng pirma!” “Hoy, hindi ba’t paguusapan natin ngayon ang birthday party ko?” Tinitingan ni Eunice si Jiji. “Girl naman, ang tagal pa naman no’n! Mas unahin ko muna si Devillion!” Kinuha ko ang naka-lapag sa cellphone ni Jiji at tumingon sa calendar app. “Jiji, hindi ba’t biyernes ang birthday mo? May pasok at may trabaho ako sa araw na ‘yon…” Tinitigan n’ya ako. “Don’t worry, Reagan girl, sa sabado igaganap ang party. I moved the date just for you because I know you are busy.” “Reagan, aalis muna ako at kukunin ko muna ‘yong mga libro, ha?!” “Oo na,