REAGAN FAYE RODRIGUEZ SUMAKIT ang mga tainga ko sa mga tilian, sigawan at sipulan. Nag-propose pa lang si Devilion pero sina Madame Devillaine at Boss Gideo, naiiyak na habang tinatanaw kaming dalawa. Hindi ko lubos akalain na mag-p-propose s’ya sa gabing ‘yon dahil wala naman s’yang sinabing clue na aalayan n’ya ako ng singsing. Nakakatawa lang din isipin na minsan ko na s’yang niluhuran pero s’ya naman ang lumuhod sa ‘kin. Kinaumagahan ng party na ‘yon, mabilis na kumalat ang balita sa buong village. Maraming nag-congratulate sa ‘min at s’yempre, hindi na mawawala ‘yong mga maninira. Bahala sila riyan, basta ako, may fiancé na! “Ang ganda naman ng singsing na ‘to…” Hindi ako nagsasawang titigan ang singsing na naka-suot lang sa palasingsingan ko. Alas shete y media na ng gabi. Ka

