REAGAN FAYE RODRIGUEZ Biyernes na bukas. Magsisimula na ang paghihirap ko. Magpapaload nga ako bago umuuwi at tatawagan ko si Harvey. Nagaalala na rin kasi ako sa kan’ya. “What’s in your mind right now?” Napukaw ang atens’yon ko sa tanong ng demonyito kaya napa-titig ako sa kan’ya. “Are you still thinking about what you saw earlier?” kaswal n’yang sambit. Nilakihan ko agad s’ya ng mga mata. “P’wede ba, ‘wag n’yo nang ipaalala sa ‘kin at kanina ko pa iniiwasan ‘yan!” Bago n’ya pa makita ang mukha kong mamumula, tinalikuran ko na agad s’ya. Habang buhay ko na yatang ibabaon sa utak ko ‘yong nasilayan ko kanina. “I am sorry about what happened. Hindi ko naman sinasadya… but it’s all your fault anyway. If you didn’t play a prank, hindi na sana nangyari pa ‘yon.” Humingi ng paumanhin pero