REAGAN FAYE RODRIGUEZ HABANG papalapit na ang araw ng kasal namin, naguumpisa na kaming mang-distribute ng wedding invitations. Hindi nila puwedeng ipeke dahil i-s-scan ng mga soldier ang QR code para makapasok sila sa simbahan at reception. Sinigurado na namin ni Devillion dahil ayaw ko talagang masira ang kasal namin. βThank you, Reagan!β Tuwang-tuwa si Ella nang binigay ko na sa kanβya ang card. Sβya lang ang inimbitahan ko sa university namin. Wala akong ka-close na prof kaya hindi ko na sila binigyan. Maging ang mga kaklase kong walang ginawa βkun βdi chismisan ako, sβyempre, hindi ko sila inabutan. Ayaw ko ng mga toxic na tao na aapak sa kasal namin ni Devillion at hindi ko gustong mamoroblema nang dahil sa kanila. βLook! May wedding invitation ako sa kasal nina Reagan at Sir D

