REAGAN FAYE RODRIGUEZ “Kung gano’n, ‘wag n’yo pong gawin ‘yon. Mabuti at malinaw na. Ang mga labi ko lang kasi, kini-kiss ko lang ‘yong taong gusto ko rin at may gusto rin sa ‘kin. ‘Wag n’yo ako paasahin, mahirap na. Sinasabi ko na agad ‘to para hindi ako ma-praning sa kakaisip kung may ibig sabihin ang kiss na ‘yon.” “I admire your honesty but that kiss has no meaning at all. It’s just that... I don’t want to see that man's face. Isang beses kang nasaktan nang dahil sa kan’ya at hindi ko lang hinahayaan na maulit pa iyon.” Bahagya akong tumango. “I apologize but I had to do that. Hindi ka na n'ya gagambalain pa.” At least malinaw na sa ‘kin. Bumalik na ang kondisyon ng mukha ko. “Okay, pinapatawad na kita, boss!” “Really?” “Oo, kung gagawin ko pang big deal, baka sabihan mo pa a

