REAGAN FAYE RODRIGUEZ “B-Bilisan n’yo bago pa kayo maabutan ni Daddy Gideo—“ “Gidea, he's not up yet?” Nang umugong sa mga tainga ko ang malalim na boses ng isang matandang lalake, bumalikwas kaagad ako sa pagkakabangon pero huli na ang lahat. Pakiramdam ko, nangmanhid ang buong mukha ko nang lumitaw sa bungad ng pintuan ang matangkad na lalakeng may katandaan at parang sinuntok ng kaba ang dibdib ko nang sunod kong nasilayan ang dalawa pang matanda. Mag-asawa. Pumasok kaagad sa isip ko na sila ang mga magulang ni Ate Faith. Parang magpapalamon na nga ako sa sahig pero si Demonyito, humihilik pa sa kama. Naabutan nila akong naka-upo at kitang-kita ko sa mga mukha nilang parang sinabugan ng bomba. “W-What is the meaning of this?!” Sumigaw ‘yong babae. Pumikit kaagad ako ng mariin at

