REAGAN FAYE RODRIGUEZ “R-Right, boss… Just don’t fire me. I am innocent… kung may gusto kayong sisantihin, dapat si Reagan ‘yon dahil s’ya naman itong humalik sa ‘kin.” Tinapunan ko kaagad s’ya ng masamang tingin. “Pinatanggol kita tapos ilalaglag mo rin pala ako?!” Hinarap ko pabalik si Boss. “Boss, paalisin n’yo na lang kaya ‘to at baka nagustuhan n’ya ang kiss ko na hindi n’ya lang sinasabi!” “What?! For the love of God, I despise every second of it! I feel so disgusted!” Sinalubong ko ng naniningkit na tingin si Dean. “Aba, pasalamat ka dahil wala akong maalala dahil kung meron, mandidiri rin ako ano!” “Instead of apologizing, ito ang gagawin mo sa ‘kin na mapapahamak ang trabaho ko nang dahil sa ‘yo?!” “Bakit naman kasi ilalaglag mo ako at sabay nga nating pinuntahan ‘tong bos

