REAGAN FAYE RODRIGUEZ GUSTO n’ya yatang pasabugin itong dibdib ko. Ang lakas ng pintig ng puso ko. “Devillion, ‘wag mo talaga akong bibiruin ng gan’yan—“ Hindi ulit ako binigyan ng pagkakataon para makapagsalita at siniil na naman ako ng mahigpit na yakap. Damang-dama ko ang matitikas n’yang bisig na pumulupot sa likod ko na para bang gusto n’ya akong lagutan ng hiniga sa higpit ng pagkakayakap n’ya. Pero sa kabilang banda, nakakapanghina ang laman ang init na nilalabas sa katawan nitong Demonyito. “Gusto mo bang gawin ko ngayon na... para mapatunayan ko sa ‘yo na hindi ako nakikipaglokohan?” Umugong ang malalim at naninigas n’yang boses sa aking mga tainga. “”W-Wag, oo na, hindi ka na nagbibiro…” Umuusok na ang mga pisngi ko. Akalain kong tunaw na ang mga buto ng mga binti ko at n

