REAGAN FAYE RODRIGUEZ Kahit hindi naka loud-speak, rinig na rinig ko ang malakas na pag sigaw ng demonyito sa kabilang linya. “Nasa mall kami now, kuya. Bumili kami ni Reagan ng Halloween costume namin—“ “Why did you leave without me?! I am going to buy my costume too!” “Natutulog ka raw sabi ni Reagan.” “You should have waken me up!” “Ang ingay mo naman, kuya!” “Saan kayo ngayon?” At doon na lang sinabi ni Demonyita kung anong mall itong pinasukan namin. “Hintayin n’yo ako riyan.” “Oo na!” Pinatay na n’ya ang tawag. “May iba pa ba tayong pupuntahan?” tanong ko. “I am not sure but let’s grab something to eat!” Hinila na naman ako ni demonyita. Bumili muna kami ng palamig bago sinubukan ang mga pagkain sa food stalls. Busog na busog na nga ako. Wala nang space ang tiyan k

