REAGAN FAYE RODRIGUEZ “Papatayin mo yata ako ‘e!” Binalingan ko ulit ng tingin ang nasa loob ng kahon. Kulay pink ‘tong binili n’ya sa ‘kin tapos ang mas masaklap pa, stiletto pa! Puwede ko ngang gamiting panaksak ‘tong takong nito! Akala ko kung ano lang itong binili n’ya sa ‘kin. Inakala kong panty pero hindi pala. “You have never tried to wear that before?” Sinalubong ko s’ya sa naniningkit na mga mata. “Seriously?” “Sa tingin mo ba kaya kong i-handle ang takong nito?!” “Bakit hindi mo subukan?” Parang hinahamon yata ako ng taong ‘to. “Just look at our height difference. ‘Pag sasamahan mo na ako sa mga event, baka mapagkamalhan nila akong nangaabuso ng bata. They might accuse me of child abuse.” “Ayaw ko. Hindi pa talaga ako naka-try na mag-suot ng heels. At tingan mo naman ang