SPECIAL CHAPTER PART 7 REAGAN FAYE RODRIGUEZ Nagpaalam ako sa kanila na umalis. Nilisan ko ang table namin. Ang dami ko pa ring bisita. Sayang, wala sina Eunice at Jiji. Mamayang gabi pa raw kasi sila makakauwi. Nagbakasyon ang mga babaita sa Thailand pero nakapagvideo call naman kami kanina at binati nila ako. “Ang sama na naman ng pakiramdam ko…” Napapagod ako at gusto ko na lang mag-pahinga pero dapat nandoon ako sa baba para maharap ang mga bisita namin. Hindi ako puwedeng matulog. Umihi lang ako at nag-bihis. Bumaba agad ako pagkatapos. Nakakapagod ang araw na ‘to pero sulit naman dahil simula bukas, hindi na ako papasok. Graduate na rin sa wakas. Halos madaling araw natapos ang party. Shutdown ang katawan namin ni Demonyito. Paggising ko ng kinaumagahan, wala na s’ya sa tabi

