REAGAN FAYE RODRIGUEZ “Let’s eat. Nagaantay na si boss.” Doon na lang ako marahas na bumaba sa kama at sinundan palabas sa lounge si Dean. Naabutan naming tahimik na kumakain ng agahan si demonyito habang may tinititigan s’ya sa screen ng laptop n’ya na naka-lapag lang din sa ibabaw ng kitchen table. “Boss, may sasabihin ako sa inyo.” Hinila ko ang upuan at umupo na. “Kasi, linggo bukas, ‘di ba?” Hindi n’ya pa rin ako sinagot. Pumuwesto na rin sa tabi ko si Dean. “Nag-away ulit kami ni Harvey. Itong kutong lupa at walang hiyang nasa gilid ko kasi, umungol habang nagtatawagan kami… Kung may day off si Dean, mag-d-day off po muna ako this Sunday.” “Hindi puwede,” maawtoridad n’yang sagot. “Bakit naman? Free naman talaga ako tuwing linggo—“ “Mas uunahin mo pa makipaglandian?” Sin

